^

Pang Movies

Kahit ‘the one’ na Vhong hindi pa kayang pakasalan ang GF!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Aminado si Vhong Navarro na ang nob­yang niyang writer na si Tanya Winona “Tee” Bautista ng ABS-CBN na ang “the one” at babaeng pakakasalan niya. Pero hindi pa raw soon ang kanilang kasalan dahil may kailangan pa siyang ayusin na hindi naman idinetalye ng TV host/comedian.

Alam naman daw ng girlfriend niya na may patutunguhan din ang relasyon nila.

Samantala, ayaw na rin uling pag-usapan ni Vhong ang kaso tungkol kay Deniece Cornejo dahil nasa korte pa rin ito.

Pagbubuking naman ni Vhong na hindi siya ganun ka-vain sa kanyang katawan sa huntahan nang mag-shooting sila last Sunday sa opisina ng The Philippine STAR. Idina­daan daw niya sa pagporma at mga pamatay niyang pananamit. Kaya thankful siya sa mga walang sawa niyang sponsors na nagbibigay sa kanya na siya namang ipino-post niya sa kanyang Instagram (IG) account.

Bukod sa get-up at mga damit, idinadaan din niya sa pag-style ng kanyang buhok. Ganyan daw ang style ng katropa niyang hindi biniyayaan ng kaguwapuhan - idinadaan ang kanilang bagsik sa pagporma at style ng buhok. Namana raw ito ng dalawa niyang anak na pareho na ring maporma. Parang barkada lang ang trato ni Vhong sa kanyang mga anak. Hindi siya ang tipo ng tatay na mahigpit at kung magloloko pa raw ang anak niya ay konsensiya na lang daw ang kalaban para abusuhin pa ang kabaitan niya.

Nakuha raw niya ang ganung style sa pag-deal ng anak dahil ganun din ang trato sa kanyang ng kanyang daddy, pero nandun pa rin ang respeto niya rito.

Ngayong magiging busy ang December ni Vhong dahil may movie entry siya sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) na Buy Now Die Later, hindi muna sila magta-travel ng dalawang anak niya. Bukod kasi sa magiging busy siya sa promotion ng pelikula ay kailangan din niyang sumakay sa karosa sa  December, plus may awards night pa. Ayaw daw niyang magbayad ng penalty kapag hindi umapir sa parada o awards night.

Hindi lang si Vhong ang maghahasik ng lagim sa horror-suspense-comedy movie na Buy Now Die Later na pagtatahiin ang istorya nila nina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Rayver Cruz, John Lapus, Lotlot de Leon, Janine Gutierrez, at marami pang iba under Quantum Films.

vuukle comment

ACIRC

ALEX GONZAGA

ANG

BILLY CRAWFORD

BUKOD

BUY NOW DIE LATER

DENIECE CORNEJO

HINDI

JANINE GUTIERREZ

NIYA

VHONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with