^

Pang Movies

Angelica pinatulan ang ‘away’ nila ni Bea

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Binuweltahan ni Angelica Panganiban ang mga kritiko niya na pinagsasabong sila ni Bea Alonzo. Eh, sa isang post na picture ng aktres sa Instagram account niya, may hawig ng pose ni Bea sa beach sa Bohol ang dating ng picture ng dyowa ni John Lloyd Cruz.

Eh sa second post ni Angelica, sinabi niyang wala silang away ni Bei (tawag niya kay Bea).

“Pasensiya na sa mga fans ni Bei. Sa mga malalawak ang isip, pasensiya na. At salamat. Sa mga makikipot, sana wag kayong mga praning. Malala na kayo…

“Sa pagkakaalam ko, kaibigan ko si Bea. Yun ang tingin ko sa kanya.”

Saka naglitanya pa ang aktres at nagsabi na unfollow siya kung hindi nila makayanan ang humor niya, huh!

Naku naman, huwag kasing seryosohin si Angelica dahil kanya lang naman inilalabas ang saloobin niya, huh!

Charo Santos-Concio, napiling Gala Chair sa prestihiyosong Emmy Awards sa New York

Napili si Charo Santos-Concio, ABS-CBN President at Chief Executive Officer, na maging Gala Chair sa 43rd International Emmy Awards na gaganapin sa New York City sa November 23 ayon sa report ng abs-cbn online.

Ayon sa International Academy of Television Arts & Sciences President and CEO Bruce Paisner, napili si Charo dahil, “She is internationally respected broadcast producer and executive who has spearheaded the growth of her organization to a leading position in the Philippines and the region beyond.”

Bilang tugon ni Ma’am Charo, honored siyang mapili bilang Gala Chair.

Taong 2013 nang ma-appoint na CEO ng Kapamilya Network si Ma’am Charo. Nagwagi rin siya sa Gold Stevie Award ng Female E­xecutive of the Year in Asia, Australia or New Zealand category sa prestihiyosong Stevie Awards for Women in Business at iba pang awards.

Ang International Emmys ang international equivalent ng Emmy Awards sa US. Ang maging Gala Chair International Emmy Awards ang highest honors na ibinibigay sa isang broadcaster-member.

Bilang Gala Chair, si Ma’am Charo ang magdi-deliver ng opening remarks bilang opisyal na pagsisimula ng Gala Awards sa Hilton Hotel sa NYC. Dadalo rin siya sa Academy Day activities kasama ang ibang member networks sa buong mundo.

Sunud-sunod na malas sa showbiz Neri Naig nakunan din

Bad luck, just like good luck, comes in threes. Even in death, nagkakatotoo ‘yan!

Gaya ng mga aktres na magkakasunod na dumanas ng miscarriage sa dinadalang anak.

Una na riyan si Mariel Rodriguez na dalawang beses nakunan ng anak this year. Worst ‘yung pagkawala ng triplets na dinadala niya.

May lumabas na balitang nakunan din ang ipinagbubuntis ni Pokwang sa American boyfriend niya. Looks like naka-recover na ang komedyante dahil sumasabak na siya sa trabaho.

Ang latest na nakunan ng anak ay si Neri Naig, asawa ng Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda. Sa isang interview, two months ago pa nakunan si Neri.

vuukle comment

ACADEMY DAY

ACIRC

ANG

ANG INTERNATIONAL EMMYS

ANGELICA PANGANIBAN

BEA

CHARO

CHARO SANTOS-CONCIO

EMMY AWARDS

GALA CHAIR

NERI NAIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with