^

Pang Movies

Sa sobrang kaligayahan, Heart pinagdidiskitahan ang mga mamahaling bag

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Naniniwala ako sa sinabi ni Senator Chiz Escudero na makikita sa mga art work ni Heart Evangelista na maligaya ito sa piling niya at pagsasama nila.

Kita n’yo naman, pati ang mga Hermes bag na very expensive ang presyo, napagdiskitahan ni Heart na gawin na art canvass.

Nagkaroon tuloy ako ng idea na palagyan kay Heart ng art work ang aking blue Hermes bag na bigay sa akin ng isang kaibigan.

Pagpapakasal uli ni Sen. Chiz at Heart, wala raw kinalaman sa eleksyon

Walang kinalaman sa 2016 elections ang renewal of vows nina Papa Chiz at Heart sa F­ebruary 15, 2016.

Matagal nang plano ng dalawa na mag-renew ng wedding vows mula nang magkabati si Heart at ang kanyang mga magulang na hindi dumalo sa kanilang Balesin wedding noong February 15, 2015.

Maugong ang balita na kakandidatong bise-presidente ng Pilipinas si Papa Chiz sa 2016 pero walang kulay pulitika ang renewal of vows nila ni Heart.

Gagawin lang ng dalawa na memorable ang kanilang first wedding anniversary  dahil kasama na nila sa selebrasyon ang madir at fadir ni Heart na dinedma ang pagpapakasal nila noon sa Balesin resort.

Susan Roces abala na sa birthday ni FPJ

Gusto ko nang maniwala na idedeklara ni Senator Grace Poe ang kanyang presidential bid sa susunod na eleksyon.

Sa September 3 ang 47th birthday ni Mama Grace kaya may mga humuhula na sasabihin niya ang political plans sa mismong araw ng kanyang kaarawan.

Naunang kumalat ang tsismis na magaganap ang announcement nina Mama Grace at Papa Chiz sa 76th birth anniversary ni Fernando Poe, Jr. sa August 20 pero may ibang plano si Susan Roces aka Manang Inday.

Si Manang Inday ang isa sa mga punong-abala sa screening ng Ang Probinsyano, ang television series na pinagbibidahan nila ni Coco Martin.

Ang special screening ng Ang Probinsyano ang tribute ng ABS-CBN at FPJ Productions sa 76th birthday ni Kuya Ron.

Confirmed na confirmed na ang event, ayon kay Dolor Guevara na nakausap ko sa dinner party ni Manila City Mayor Joseph Estrada para sa entertainment press.

Papa Erap miss na miss na si FPJ

Na-miss ng entertainment writers si Kuya Ron dahil sa AVP na ipina­kita sa dinner na ginanap sa Sampaguita Events Place noong nakaraang Biyernes.

Tungkol kay Papa Erap ang AVP pero kasali si Kuya Ron sa mga eksena dahil sila ang matalik na magkaibigan.

Hindi napigilan ng mga veteran reporter at veteran stars na magbalik-tanaw nang mapanood nila ang video ng maliligayang araw nina Kuya Ron at Papa Erap.

Kahit nasa kabilang-buhay na si Kuya Ron, hinding-hindi siya nakakalimutan ni Papa Erap na habambuhay na tumatanaw sa kanya ng utang na loob.

Sunday PinaSaya at Wowowin bumenta

May mga nag-comment na nai­ngayan sila sa pilot telecast ng Sunday PinaSaya pero ganito yata ang mga programa na gustong-gusto ng masa dahil inabangan at pinanood nila ang bagong noontime show ng GMA-7.

Ang resulta? Tinalo ng Sunday PinaSaya ang mga kalaban na programa. Pati si Willie Revillame at ang staff ng Wowowin, maligayang-maligaya dahil lalong tumaas ang rating ng kanilang game show.

Nangako ang  mga host at production staff ng Sunday PinaSaya na pagagandahin pa ang kanilang show. Patutunayan daw nila na hindi nagkamali ang televiewers sa desisyon na suportahan at panoorin ang Sunday PinaSaya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG PROBINSYANO

HEART

KUYA RON

MAMA GRACE

MGA

NBSP

NILA

PAPA CHIZ

PAPA ERAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with