^

Pang Movies

Pelikula nila Kris at Claudine, kuwento ng negosyanteng babaero?!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

How nice Salve A., dahil binati ako ni Claudine Barretto sa aking recent birthday. Ang tagal na naming hindi nagkita at nagkausap ni Claudine. Actually, mula nang lumipat siya ng GMA-7.

At ngayon, balik-Kapamilya si Claudine at kasalukuyang guma­gawa ng pelikula for Star Ci­ne­ma na ang title ay Etiquette for Mistresses, kung saan makakasama niya sa pag-arte sina Kris Aqui­no, Kim Chiu and Iza Calzado.

Directed by Chito Roño ang pelikula, pero totoo kayang inspired ito sa kwento ng isang Business Magnate? Nagtatanong lang po.

Did we also heard it right that Edu Manzano will play the Business Magnate. Katatapos lang ang pagganap ni Edu bilang magaling na kontrabida sa Bridges of Love, who starred him along Jericho Rosales, Maja Salvador and Paulo Avelino.

Maja at Kim, mag-BFF na uli

Wow, Salve A. Guess who are friends anew? And hopefully, eventually, best friends forever (BFF) muli. Dating mag-BFF sina Kim Chiu at Maja Maja Salvador hanggang makipag-break si Gerald Anderson sa dating girlfriend na si Kim. Since mag-BFF nga sila ni Kim, kay Maja unang nagsumbong si Kim sa nangyari sa kanila ni Gerald para iyakan at humingi ng payo at pagdamay. Matiyagang nakinig naman si Maja kay Kim, kasama ang mga personal na hinanakit kay Gerald.

Kaya can you imagine, how Kim felt when she discovered na naging magkasintahan sina Gerald and Maja.

Ang sumunod na scenario ay ang hindi pagkikibuan ng dalawa na sinundan ng galit at hinanakit ni Kim kay Maja.

Then suddenly, Gerald announced at the presscon of his ongoing series Nathaniel with Shaina Magdayao and child actor Marco Masa, who plays the title role of Nathaniel, na break na sila ni Maja.

Until now, ayaw sabihin ni Maja kung ano ang naging dahilan ng kanilang break-up, basta ok na raw siya at aminado siyang nawasak siya nang maghiwalay sila.

Nathaniel, sa Goin’ Bulilit din ang bagsak?!

Speaking of Marco, hindi kaya matulad ang kapalaran niya sa kanyang fellow child actor na si Reikko Mateo? Na pagkatapos ng kanyang title series,  Honesto, ay wala nang kasunod na project. Mabuti na lang na sinalo siya ng gag show na pambata, ang Goin’ Bulilit.

Tanong tuloy ng aming assistant na si Josie So­tero, ‘What’s next for Marco? Goin’ Bulillit din?’

The Love Affair tiyak na ang pagpatok

Ngayong gabi na ang premiere ng The Love Affair, starring Richard Gomez, Dawn Zulueta & Bea Alonzo. Trailer pa lang ay pinag-uusapan na ang the Love Affair ay idinirek ni Nuel Naval. Tiyak blockbuster na naman ang pelikulang ito ng Star Cinema!

Kim pinapapak ng swerte!

Going back to Kim, obvious na ‘pinapapak’ siya ng swerte.

‘Di lang successful ang attempt niya sa recording as her single, Mr. Right is considered as best seller. Tiyak, magiging mas busy pa si Kim sa kayang acting career before the year ends right after Etiquette of Mistresses, may movie na agad siyang ginawa for Star Flix Mobile, ang Must Date the Playboy, kung saan kasama niya si Xian Lim and Jessy Mendiola.

Zian, is himself  currently busy too as he is pla­ying an important role in a yet untitled flick, na first time nilang pagsasamahan nila ni Batangas Governor Vilma Santos at Angel Locsin. The film will have Bb. Joyce Bernal at the helm.

Pasasalamat kay Angel...

Thank you, to Angel Locsin for her concern and understanding. I will make up for everything., Angel when I get well. Hopefully soon. Thank you also to Atty. Michelle Juan and JD, plus Mico.

Fulltime na ang shooting ni Angel for her first mo­vie with Batangas Governor Vilma Santos, with Joyce Bernal directing. Baka last week of September ang release ng pelikula produced by Star Ci­nema.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGEL LOCSIN

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS

BUSINESS MAGNATE

GOIN

JOYCE BERNAL

KIM

LOVE AFFAIR

MAJA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with