^

Pang Movies

Iba na ang humahawak ng pera Nora umaming pulubi na?!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magpapaopera ng kanyang lalamunan si Nora Aunor sa Boston matapos gawin ang guesting niya sa Pari ‘Koy next week at ang indie movie niyang Kabisera. Hindi kasi niya mahindian ang mga ibang offer na pelikula sa kanya gaya ng Tasaday at Eskaparate dahil sa magaganda nitong kuwento.

Eh, kahit maraming projects, hindi natitiis ni Ate Guy ang kasamahan sa trabaho na bigyan ng blessings ang mga ito kaya hindi siya humahawak ng pera ngayon.

 “Kaya pulubi! Ha! Ha! Ha!” biro ni Nora nang pasyalan ng press sa taping niya ng Pari ‘Koy sa San Jose del Monte, Bulacan. Dagdag na rason niya, “Hindi ko naman madadala sa hukay ‘yon! Masaya naman ako!”

Second project ng superstar sa Kapuso network ang faithserye ni Dingdong Dantes. Una siyang lumabas sa programang Karelasyon kung saan nakasama ang anak na si Lotlot de Leon at apo na si Janine Gutierrez. Humanga rin siya sa husay sa pag-arte ng apo.

Saka maganda si Janine, huh?

“Diyos ko, saan pa magmamana ‘yan? Ha! Ha! Ha! Sa nanay! Ha! Ha! Ha! Pero mabait na bata!” saad ni Nora.

Happy siya sa magandang pagpapalaki ni Lotlot sa mga anak.

 “At least, nararamdaman na niya ang pagiging isang ina, ‘di ba? Proud ako sa kanya,” sey ng superstar.

Sa pagsali ni Ate Guy sa series ng GMA-7, natupad ang dream ni Dingdong Dantes na makasama siya sa trabaho. Eh sa awards night ng Entertainment Press Society binati siya ng aktor na nagsabi ng dream na makatrabaho siya.

 “Ako rin naman, gusto kong makasama ang isang taong mabait! Idol ko nga siya eh! Hindi ako magdadalawang-salita kung sakaling may mag-offer na magsama kami sa movie. Buti nga, dumating ito kaya may experience na kami ni Dingdong magkatrabaho,” pahayag pa ni Ate Guy.

Eh nang kumustahin ang sitwasyon nila ni Ian de Leon na hindi niya nasipot ang kasal, tugon ng Ate Guy, “Hindi pa kami nagkita pero happy ako for him!”

Sa darating na eleksyon ng presidente, si Grace Poe ang susuportahan ni Nora.

 “Mabait ‘yung bata at saka madali mong lapitan! Siya ‘yung taong madaling umunawa! Alam kong malaki ang maitutulong niya. Kasi pusong-babae siya!” katwiran ni Ate Guy.

Lea si Aga lang talaga ang gusto

Pinaplano na pala ang reunion movie nina Lea Salonga at Aga Muhlach na hopefully ay sa 2016 masimulan. Ito ang naging pahayag ni Malou Santos sa TV show na Chat With The Chairman last Tuesday na inilathala ng ABS-CBN online.

Sa panig naman ni Lea, fully booked na ang schedules niya sa hanggang sa pagtatapos ng taon. Tatapusin lang niya ang grand finals ng The Voice Kids 2 at saka lilipad para sa rehearsals ng play na The Allegiance kung saan kapareha ang American-Japanese actor na si George Takei. Magkakaroon ito ng official opening sa November 8 sa Longacre Theater sa New York City pero bago ‘yon ay may previews sa October 6.

Nitong nakaraang mga buwan, muling napanood ang restored version ng Sana Maulit Muli na isa sa movies na pinagtambalan nina Lea at Aga. Naging maganda ang response ng publiko sa premiere nu’n kaya nagkaroon ng renewed interest na gumawa uli sila ng movie.

Eh ayon kay Lea, tanging si Aga lang ang gusto niyang nakakasama niya dahil naging kumportable na sila sa mga pelikulang pinagsamahan.

vuukle comment

ACIRC

AGA MUHLACH

ANG

ATE GUY

CHAT WITH THE CHAIRMAN

DINGDONG DANTES

ENTERTAINMENT PRESS SOCIETY

GEORGE TAKEI

NIYA

NORA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with