^

Pang Movies

Galit kay Jose ng anak, medyo humupa

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Proud na proud ang komedyanteng si Jose Ma­nalo sa kanyang anak na namamayagpag na sa indie films na si Nicco Manalo.

Bukod sa pagiging award-winning actor na ni Nicco, inilabas din nito ang kanyang talent sa pagkanta.

Inamin din ng host ng bagong Sunday show na Sunday PinaSaya na nagiging okey na ang relasyon nilang mag-ama kahit na hindi pa rin sila madalas na nag-uusap.

“’Yung communication, hindi pa ganun kadalas.

“Pero at least, nagagawa na niyang makapag-text sa akin.

“Isekreto na lang natin ‘yung mga messages niya sa akin.

“Pero sa gano’ng paraan, nakakatuwang isipin na nagkakaroon na kami ng maayos na pag-uusap.

“Balang-araw babalik din ang magandang relasyon namin,” diin pa ni Jose.

Isa nga sa pinaka-busy na komedyante sa telebisyon si Jose. Mula Lunes hanggang Sabado na siya napapanood sa Eat Bulaga. Sabado ng gabi ay nasa Celebrity Bluff siya at Linggo ng tanghali sa Sunday PinaSaya.

Jennylyn nawalan na ng oras sa pamamasyal

Hindi raw masyadong nakapasyal sa New York City si Jennylyn Mercado noong i-shoot nila ni Sam Milby ang pelikulang The Pre-Nup ng Regal Entertainment.

Seven days straight daw ang shooting nila roon at kinailangan nang makauwi agad ni Jen sa Pilipinas.

Kaya wala raw ibang napuntahan si Jen kundi ang shooting location at ang tinitirhan niyang hotel sa Big Apple.

“Mabuti na lang at hanggang 8 hours lang ang pagtrabaho namin doon. Kapag nag-pack up na, ang ginagawa ko ay naglalakad na lang ako pauwi sa hotel,” kuwento pa niya.

Umuwi nga agad si Jen para sa taping ng bago niyang primetime teleserye sa GMA-7 na My Faithful Husband kung saan kasama niya si Dennis Trillo.

Mabilis naman daw nawala ang awkwardness nila ni Dennis noong mag-taping na sila.

First time makatrabaho ni Jen si Bb. Joyce Bernal at para lang daw itong barkada nila sa set.

“Para siyang hindi director. Hindi ka ‘yung matatakot or ma-intimidate sa kanya. Para ngang siya pa ang nahihiya sa amin,” tawa niya.

Gwen Stefani hindi na kinaya ang asawa, nanggulat nang idibosyo ang asawa

Ginulat ng singer na si Gwen Stefani ang lahat nang mag-file ito ng divorce sa kanyang mister na si Gavin Rossdale.

Irreconcilable differences ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay pagkatapos ng 13-years na pagsasama bilang mag-asawa.

Tatlo ang naging anak nila na sina Kingston (9), Zuma (6) at Apollo (17 months). Pareho silang humiling ng joint custody.

Sa naging huling interview ni Gwen, sinabi pa nito na isang “miracle” na magkasama pa sila ni Gavin at inabot sila ng labing-tatlong taon.

“We go through so much together — it’s a miracle that we could stay together this long.

“I don’t know if I was a nerd in high school, but I definitely wasn’t the super-cute cheerleader so I never saw myself getting somebody like that.

“But I do think he’s quite handsome. It’s not the most important thing about him, but it is nice — and he makes really cute babies!” sey pa ni Gwen noon.

Wala rin daw naging problema sa madalas na paghihiwalay nila dahil sa trabaho.

“Gavin’s on a short tour right now, and he wrote me the sweetest note this morning. It’s good to have those days when we both do our own things.

“I think that’s what keeps relationships going, when both people can be themselves and have their own individuality.

That’s especially important for women. It’s hard to find time for yourself.”

Pero sa likod ng lahat ng ‘yan ay may malaking problema na pala ang pagsasama nila na hindi na nakayanan ni Gwen.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BIG APPLE

BUT I

CELEBRITY BLUFF

DENNIS TRILLO

EAT BULAGA

GAVIN

GWEN

GWEN STEFANI

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with