^

Pang Movies

Tatay ng apo: Businessman na sinampal ni Melissa ka-close ni Fabio Ide

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang liit naman ng mundo ni Melissa Mendez at ni Rey Pamaran, ang rich businessman na sinampal niya noong Biyernes habang sakay sila ng eroplano.

May common denominator ang dalawa, ang Brapanese model/actor na si Fabio Ide na co-host ko dati sa Tweetbiz ng QTV na GMA News TV na ngayon.

Kaibigan ni Rey si Fabio na ama ng apo ni Melissa. Si Fabio ang tatay ng anak ni Denise na panganay ni Melissa.

Natatandaan ko ang mga pralala noon na produkto ng one night-stand ang bagets pero inako ito ni Fabio dahil lumabas sa DNA test na siya ang tunay na ama ng bata. Napagbintangan din noon na si Phil Younghusband ang nakabuntis sa anak ni Melissa.

‘Hindi ko expected na nagkaroon din ako ng koneksyon sa ‘kalaban’ ni Melissa’

Magkakilala sina Rey at Fabio dahil magkaibigan sila. Nang sumabog ang news tungkol sa away nina Melissa at Rey sa eroplano, lumitaw ang picture nina Rey at Fabio na kuha sa ibang bansa.

Hindi ko expected na nagkaroon din ako ng koneksyon kay Rey.

Si Rey ang nag-invite sa aking alaga na si Pauleen Luna para sa isang event noon sa Pagadian City.

In fairness, mahusay magbayad si Rey dahil hindi niya tinawaran ang talent fee ni Pauleen at cash ang kanyang payment. Kailan kaya uli kami magkakaroon ni Rey ng business deal?

Gabriela nag-aalangan tulungan si Melissa?!

“No comment” pa ang GABRIELA tungkol sa tulong na hini­hingi sa kanila ni Melissa Mendez.

Sinabi ni GABRIELA Representative Emmie De Jesus na hindi pa sila makapagbibigay ng pahayag dahil hindi pa nila alam ang the truth and nothing but tungkol sa kontrobersya na kinasasangkutan ni Melissa.

I’m sure, nagiging maingat ang GABRIELA dahil nakatutok sa kanila ang atensyon ng mga nag-aabang sa anumang suporta na puwedeng ibigay nila sa aktres.

Masyadong sensitibo ang kaso dahil marami rin ang nagsasabi na may pagkakamali si Melissa. Tama lang na maging maingat ang GABRIELA sa paglalabas ng statement para hindi makuwestyon ang kanilang credibility.

Mga kaibigan ni Melissa, pinaghahanap na!

Hinahanap naman ng mga reporter si Malu Barry para sa panig niya tungkol sa gulo na kinasasangkutan nina Melissa at Rey.

Ang name ni Malu ang binanggit ni Melissa sa live guesting nito sa Startalk noong Sabado.

Ang sey ni Melissa, si Malu ang isa sa mga kasama niya sa kanyang biyahe sa Pagadian City noong Biyernes. Samakatuwid, tiyak na nasaksihan ni Malu ang buong pangyayari kaya hinahanap siya ng mga reporter para sa kanyang version.

Wondering kasi ang mga reporter at ang publiko dahil hindi sinamahan si Melissa ng mga kaibigan nito nang pababain siya ng piloto ng eroplano.

Willie tutok sa construction ng WoWoWin studio

Kausap ko kahapon sa telepono si Willie Revillame na excited na sa nalalapit na pagsisimula ng kanyang weekly show sa GMA-7.

Nakatutok si Willie sa construction ng WoWoWin studio sa Kalayaan Avenue sa Quezon City.

I’m sure, pinagaganda ni Willie ang studio, lalo na ang dressing room na gagamitin niya at ng kanyang mga guest.    

Mahilig si Willie sa mga bonggang design ng kuwarto at pruweba ang kanyang dressing room noong nasa TV5 pa siya. Milyun-milyong piso ang ginastos ni Willie sa renovation ng dressing room na parang extension ng kanyang sosyal na bahay sa Quezon City.

 

vuukle comment

FABIO

MALU

MELISSA

PAGADIAN CITY

QUEZON CITY

REY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with