^

Pang Movies

Sexy actress maganda pa naman, nakaka-turn off sa rami ng ‘chismis’ sa katawan!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kailangan pang paalalahanan tungkol sa kanyang personal hygiene ang isang sexy actress na ito.

Kahit na maganda ang kanyang mukha, may nakikitang hindi maganda sa kanyang katawan kaya marami ang nate-turn off sa kanya.

Kung may mga kinasanayan siyang hindi gawin noong hindi pa siya artista, ngayon ay kailangan niyang baguhin iyon dahil mahirap na ‘yung may makitang chismis sa kanyang katawan.

May ilang mga saksi na magpapatunay na ang sexy actress ay kinaliligtaang tingnan ang kanyang mga kuko sa paa.

Malaking turn-off kasi na makitang hindi properly pedicured ang mga kuko nito sa paa, lalo na kung parati pa naman siyang naka-open toe sandals o ‘di kaya’y flip-flops.

Kitang-kita nga raw ang makakapal na cuticle sa kanyang mga toes.

Isa pang malaking turn-off kay sexy actress bukod sa kanyang mga kuko sa paa ay ang dirty tingnan ng balat nito na kailangan i-body scrub para kuminis.

Tiyak na matutuwa ang sinumang mag-body scrub sa katawan ng sexy actress dahil parang marami siyang aanihin na dead skin.

Mahilig pa naman daw magsuot ng sleeveless or tube dress ang sexy actress. Kitang-kita nga ang hindi pantay na kulay nito sa braso at sa likod. Para tuloy siyang libagin, eh ang ganda-ganda pa naman ng mukha niya.

Suggestion lang naman ng ilang may concern sa sexy actress na bago ito lumabas ng kanyang bahay ay tingnan niya ng husto ang kanyang katawan para kung may chismis ay magagawan niya ng remedyo.

Huwag naman daw itong tamad na tingnan ang mga singit-singit ng katawan niya.

David aliw kay Dingdong na maging pari

Nagbabalik ang Kapuso child actor na si David Remo sa paggawa ng teleserye at kasama siya sa bagong primetime series ng GMA-7 na Pari ‘Koy.

First time niyang makasama si Dingdong Dantes sa isang teleserye at natuwa siya dahil ang bait-bait daw nito.

Marami kasing eksena si David kasama si Dong kaya madalas silang magkuwentuhan nito.

“Bagay po kay Kuya Dong ang maging pari. Mukha po talaga siyang pari tapos ang bait pa po niya.

“Marami po akong eksena kasama si Kuya Dong kasi ako ang nagpapasaya parati sa araw ni Father Kokoy.

“Kahit makulit po ang role ko sa Pari ‘Koy, pampawala raw ako ng pagod sa set,” sey pa niya.

Huli ngang napanood si David sa teleserye na Niño kunsaan bida si Miguel Tanfelix. Si Maryo J. delos Reyes ulit ang kanyang director.

“Mabait din po si Direk Maryo. Marami po siyang naturo sa akin sa pag-arte lalo na dito sa Pari ‘Koy.”

Dean Sheremet naglabas na ng sama ng loob sa pangangaliwa ni LeAnn Rimes

Nagsalita na sa wakas si Dean Sheremet, ang ex-husband ng two-time Grammy winner na si LeAnn Rimes, tungkol sa pangangaliwa ng kanyang ex-wife at ipinagpalit siya para sa aktor na si Eddie Cibrian.

Kasal sina Dean at LeAnn for seven years hanggang sa malaman niyang pinindeho siya nito para sa aktor na si Cibrian pagkatapos nilang magsama sa isang TV-movie na Northern Lights.

Misis naman ni Cibrian noong mga panahon na iyon ang reality star na si Brandi Glanville ng The Real Housewives of Beverly Hills. Nag-divorce ang dalawa nang dahil kay Rimes.

“I was a professional dancer. She was a superstar. I knew that one of us had to sacrifice something to have a healthy marriage. I’ve always wanted to be married and have kids. Family is everything to me.

“Unfortunately, I think the business ended up destroying us. That passion for our marriage wasn’t there. I wasn’t the person she came home to and unloaded on. It was a hard thing to take,” sey pa ni Dean.

Hindi nga raw inakala ni Dean na magagawa siyang lokohin ni LeAnn pagkatapos ng lahat nang ginawa niya sa marriage nila.

“Never in a million years did I think something like that would have happened. I wouldn’t trust him (Eddie) as far as I could throw this f--king table.”

“LeAnn was really great about putting on appearances. So I never felt threatened.

“I totally felt foolish. I felt like this pathetic husband hanging around. I was very aware of how others were looking at me.

“I don’t regret anything. All of it has made me a better human.

“The cheating wasn’t the hardest part. The hardest part was someone stan­ding in the back of the bus in the middle of nowhere and saying, ‘I don’t love you anymore. I would’ve rather she said, ‘I slept with 20 guys.’”

Nagpakasal na ulit si Dean at hangad niyang maging maayos na ang buhay ng kanyang ex-wife.

“LeAnn lives and dies on the perception of herself. I sympathize with that because she’s been famous since she was 12 years old, so she doesn’t know anything else.

“She’s one of the most talented people I’ve ever met, has the most incredible voice, she’s flawless. But she got away from doing that and it breaks my heart.

“She’s gone away from what she was put on this earth to do. It’s all been at the expense of that. I think she learned a really hard lesson because it didn’t pan out the way she wanted it to.”

vuukle comment

BRANDI GLANVILLE

CIBRIAN

DAVID REMO

DEAN SHEREMET

DINGDONG DANTES

KANYANG

KUYA DONG

MARAMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with