^

Pang Movies

Dingdong alagang-alaga ni Marian kahit ngarag sa taping

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Biruan ng mga entertainment press sa grand launch cum presscon ng bagong primetime inspirational drama series ng GMA-7, ‘Pari Koy na gagampanan for the first time ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, napakaguwapong pari nito. Baka raw kung may mangungumpisal sa kanya ay hindi maka-concentrate sa hitsura nito.

Inamin ni Dingdong na dream role niya noon ang makaganap na isang pulis o sundalo dahil dating pulis ang tatay niya na nagampanan na rin naman niya. First time naman ng aktor na gumanap na  pari.

“Pinaghandaan ko rin ito, kung anong klaseng pari ba si Fr. Kokoy. May mga adviser na paring kinuha ang production at ang peg ko rito ay si Fr. Erik Santos, na talagang tuwang-tuwa ako kapag naririnig ko siyang mag-homily dahil masaya, at ang spiritual adviser namin ni Yan (Marian Rivera), si Fr. Tito Caluag,” kuwento ni Dingdong.

“Advise nila sa akin, maging fun person ako, dahil it attracts positivity. Na ikaw ay tagahatid ng magandang balita, you must be a people’s priest.”

Sinadya bang wala siyang leading lady, dahil isang pari nga siya?

“Hindi po, dahil may papasok na character, na iyon ang magiging problema ko. Magtatalo ang isip ko kung tama ba o mali ang gagawin ko. Pero baka matagal pa iyon. Dito muna ako sa masasayang eksena sa mga kasama ko sa cast. Tulad nga ng sabi ni Direk Maryo J. delos Reyes, may mga character na papasok, depende sa mga sitwasyong magaganap.”

Kinumusta na namin si Dingdong sa buhay may-asawa niya ngayong balik-trabaho na sila ni Marian after their honeymoon. Totoo bang mas sweet daw siya kaysa sweetness ng asawa? Natawa si Dingdong dahil mukhang hindi raw niya matatalo ang sweetness ng asawa. Marami pa rin daw siyang nalalaman kay Marian, since matagal-tagal na rin silang magkasama sa bahay after their honeymoon at ngayon lamang sila balik-trabaho na.

“Naawa nga ako sa kanya kagabi (Sunday evening), dahil alam kong pagod na pagod siya sa maghapon hanggang gabing taping ng Lenten presentation ng Eat Bulaga. Nanibago siguro siya dahil kailan pa kami huling nagpuyat sa ta­ping, bago pa kami ikinasal last December. Pero this morning, siya pa rin ang naghanda ng almusal.”

Hindi ba siya nag-second thought bilang asawa na ni Marian, na tanggapin nito ang bagong soap na The Rich Man’s Daugther na sabi ay gaganap siyang na-in love sa kapwa babae?

“No, very exciting din kay Marian ang role na iyon na first time din niyang gagawin. Sa pagtanggap naman ng role, hindi mo dapat iisipin na gusto mo lamang i-entertain ang mga manonood nito, kundi ano ba ang aral na ibibigay ng show. Pagdating sa trabaho, open ang isip namin sa mga roles na ibinibigay sa amin.”

Ang Pari Koy ay mapapanood na sa Lunes, March 9, after 24 Oras na nagtatampok din kina Sunshine Dizon, Gabby Eigenmann, ang tres marias ni Direk Maryo J. na sina Chanda Romero, Dexter Doria at Luz Valdez, Carlo Gonzales, Rap Fernandez, JC Tiuseco and young stars Jillian Ward, Jeric Gonzales, Hiro Peralta, Lindsay de Vera at ang child star na si David Remo.

vuukle comment

ANG PARI KOY

CARLO GONZALES

CHANDA ROMERO

DAHIL

DAVID REMO

DEXTER DORIA

DINGDONG DANTES

DIREK MARYO J

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with