^

Pang Movies

Manny hindi na pinaiiral ang pride sa laban nila ni Mayweather

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kasado na nga ang labanan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. sa Mayo 2 sa Las Vegas, Nevada. Naging mabenta agad sa interviews si Pacquaio dahil hinihintay na ngayon pa lang at tinuturing ng fight of the century!

Agad ngang na-claim ni Manny ang panalo dahil kasama raw niya ang Diyos sa isang interview sa ANC News Channel. Mas gusto rin daw niyang itrato siyang underdog sa labanan dahil nai-inspire siya sa sitwasyong ganoon.

Sa nasabing laban, pumayag si Manny ng 60-40 percent na hatian ng kita sa kanila ni Mayweather.

“Hindi problema sa akin ‘yon. Kung paiiralin ko ang pride, hindi matutuloy ang labanan na alam kong hihintay ng lahat!” rason ni Manny sa ANC News host.

Eat Bulaga halos P10-M na ang naipamimigay nang ibalik ang Laban o Bawi

Napanalunan muli ang P1-M sa Laban o Bawi kahapon ng Eat Bulaga. Babaeng taga-Bohol ang naging matapang na lumaban kahit na P100-K na ang offer ni Vic Sotto, huh!

Bale, pangalawang beses nang may nana­nalo ng P1-M sa segment ng EB. Babae rin ang unang nanalo ng grand prize na dating OFW pero bumalik ng bansa dahil sa masaklap na karanasan doon.

Pero hindi lang P2-M ang naipamigay na ng prog­rama. Halos P10-M na ito mula nang ibalik before December 2014 ang nasabing segment.

As far as we know, ibinibigay agad ng EB ang napanalunang pera, pero konti lang ang cash na ibi­nibigay for security purposes para sa winner, huh!

Cesar at Sunshine mabusalan na sana ng bibig

Busalan na sana ng korte ang mag-asawang Ce­sar Montano at Sunshine Cruz lalo na’t on-going ang annulment ng kanilang kasal.

Muling nagsagutan ng pahayag sina Cesar at Shine sa paratang ng huli na diumano ay gumagawa ng sexual acts sa harapan ng mga anak. Itinanggi ni Cesar ang paratang na ito ng dating asawa. Para matigil ang bunganga ng asawa, ‘yung sinasabi niyang property na hangad nito ay kanya nang ibinigay!

Tingnan ninyo sina Raymart San­tiago at Claudine Barretto, natahimik na. Nagsalita man si Raymart noon, wala namang paninira sa da­ting asawa. May on-going case pa rin kasi sila.

Cesar and Sunshine should remember their kids. Sila itong magsa-suffer sa consequences ng kanilang labanan. Kaya korte lang ang puwedeng magpatikom ng bibig nilang dalawa dahil kung hindi, walang tigil din silang pagpipistahan ng media, huh!

Toni tinalian na naman ng ABS-CBN, sigurado na ang kinabukasan nila ni Direk Paul

Tatlong taon muli ang pagtali ng ABS-CBN kay Toni Gonzaga matapos pumirma ng host-actress na inilabas sa website ng network.

As we all know, si Toni ang nagreyna last 2014 sa lahat ng babaeng artista ng Kapamilya dahil sa mala­king kinita ng Starting Over Again nila ni Piolo Pascual. This year, si Coco Martin naman ang kapareha niya sa next movie at aabangan kung magsu-swak ang chemis­try nila sa box-office sa showing nito. Galing si Coco sa box-office movie with Kris Aquino na Feng Shui 2.

Samantala, si Sarah Geronimo naman ang makakapareha ni Piolo sa pelikula this year. Si Coco naman ang huling nakasama ni Sarah sa pelikula.

Malakas din naman sa takilya ang Sarah-Coco movie pero hindi ‘yon kasing lakas ng Sarah-John Lloyd Cruz movies. Higit pa ring malakas ang Piolo-Toni tandem.

Ngayong, nag-switch ng partners ang apat. Ang kikitain sa takilya ng pelikula nila ay aabangan ng publiko.

Anyway, sa muling pagpirma ni Toni ng kontrata sa Dos, sigu­rado na ang future niya kahit magpakasal na sila ni Direk Paul Soriano, huh!

vuukle comment

BAWI

CESAR AND SUNSHINE

CLAUDINE BARRETTO

COCO MARTIN

DIREK PAUL

DIREK PAUL SORIANO

EAT BULAGA

SHY

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with