^

Pang Movies

Alonzo sobrang busy na para sa isang limang taong gulang

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kamakailan lamang ay pumirma ng 5-year management contract si Alonzo Muhlach sa Viva Artist Agency ng Viva Films. Bale, co-manage na ni Aster Amoyo and Viva Artist Agency ang career ng anak ng original child wonder na si Niño Muhlach.

Si Niño pa lang ang child actor na nagbida sa maraming pelikula na walang kailangang malaking artistang kasama para kumita sa box-office. Marami na siyang blockbuster movies noon na pinagbidahan niyang mag-isa.

Sabagay kainitan pa ng pelikulang Tagalog noon, unlike ngayon na mas malakas ang telebisyon. Kaya naisip ni Niño kung sino pa ba ang magmamana sa kanya kundi si Alonzo.

Maski si Boss Vic del Rosario nang makita si Alonzo ay naalala rin ang kabataan ni Niño. Kaya napagdesisyunan nila na gawin muli ang mga pelikula ni Niño noong araw. Kundi kami magkakamali ay Kuwatog ang unang remake na gagawin nila bukod sa maraming plano for Alonzo ng Viva.

Tuloy pa rin ang mga TV projects ni Alonzo sa ABS-CBN gaya ng Goin’ Bulilit, Inday Bote, at ang latest ay ang Wansapanataym. Sa edad na 5 years old ay busy na si Alonzo huh.

Ryzza Mae hindi pa nawawalan ng karisma

May mga tsika na hindi na raw mainit ang pangalan ni Ryzza Mae Dizon kumpara noon. Sa aming pananaw, hindi pa naman nababago ang kamalayan ng Pinoy sa kasikatan ni Ryzza na hanggang ngayon ay mainit pa ring tinatanggap sa kanyang The Ryzza Mae Show.

Marami na siyang nakasamang child actors sa mga previous project niya na may kanya-kanyang followers.

Walang dapat ika-insecure si Ryzza Mae sa mga nagsusulputang batang actors. Solong sumikat si Ryzza sa tulong ng Eat Bulaga, Bossing Vic, at Malou Choa-Fagar. Napapanood siya sa EB araw-araw, plus ‘yung sarili nga niyang show na malalaking artista ang laging bisita. Maski mga artista ay aliw na aliw kay Ryzza at hindi nagdadalawang-isip na mag-guest sa kanyang show.

Bukod sa pagiging madaldal ay may karisma ang bagets kaya aliw na aliw sa kanya ang televiewers.

Angge matagal-tagal pinag-isipan bago tinanggap si Nora

Mahaba-habang usapan daw ang naganap bago tinanggap ni Angge ang pagiging talent manager ni Nora Aunor. Kaya ngayong nasa pangangalaga ni Angge si Ate Guy ay may mga ABS-CBN project na makukuha ang Superstar since konektado si Angge sa naturang network.

Mahigpit at istrikta si Angge pagdating sa mga trabaho ng kanyang talents. Kaya ganun din ang ipapatupad niya kay Guy.

Si Angge ay original Noranian pero naging malapit din ito kay Vilma Santos. Malapit din daw ito noon kay Edgar Mortiz na ka-loveteam ni Ate Vi noon. Kaya ito naging malapit din sa nasirang Inday Badiday na Noranian din.

Siguro may basbas ni Kuya German “Germs” Moreno ang pagiging manager ni Angge kay Ate Guy. May nagsabi na dumalaw daw si Angge sa maysakit na Master Showman.

Miguel at Bianca totohanan na talaga ang tambalan?!

Tuloy at lalong lumalalim daw ang relasyon nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Ito ang obserbasyon ng mga nakakakita sa dalawa sa taping ng Ismol Family na napapanood tuwing Linggo ng gabi sa GMA-7. Kaya siguro swak na swak sa kanila ang role sa nasabing sitcom. Sa kanila tuloy madalas sumesentro ang istorya ng Ismol Family.          

vuukle comment

ALONZO

ANGGE

ISMOL FAMILY

KAYA

RYZZA

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with