^

Pang Movies

Coco ginawa ang lahat para makasama si Julia

- Vinia Vivar - Pang-masa

Pagkatapos ng matagumpay na seryeng Ikaw Lamang na nagtapos ng October last year, muling magsasama sa telebisyon sina Coco Martin at Julia Montes sa Wansapanataym Presents Yamashita Treasure, ang biggest Wansapanataym episode ever na mapapanood sa ABS-CBN.

Biggest dahil nga sa laki ng casting at produk­syon nito. Bukod kina Coco and Julia, kasama rin dito sina Eddie Garcia, Angel Aquino, Bing Loyzaga, at Nonie Buencamino. Parte rin ng cast si Ryan Bang at ang bagong child wonder na si Alonzo Muhlach na anak ni Niño Muhlach.

Sa announcement presscon held last Tuesday, we learned na si Coco pala mismo ang nag-request na makasama si Julia for this project. Kaya naman sunud-sunod ang tanong sa kanya kung type ba niya talaga ang young actress o kung naging sila ba, nililigawan ba niya, balak ligawan, etcetera.

Hirap na hirap sumagot si Coco sa mga tanong. Bale ba ay katabi pa si Julia. Say tuloy ng young actress, awkward nga raw dahil kaharap siya habang tinatanong ang leading man.

“Pwede namang mag-request,” sambit na lang ni Coco sa biro na type niya si Julia kaya ni-request niya.

“Hindi, pero, ganu’n, eh, di ba, lalong-lalo na pag sa mga proyekto, pag may nakikita kang babagay para du’n sa role, saka sabi ko nga, kung baga, after ko talaga na mapanood siya sa Halik sa Hangin, sobrang galing na ga­ling ako sa kanya, and then, sabi ko nga, sana, magkasama kami ulit sa proyekto ni Julia.

“And then, sa sobrang busy ng schedule namin, na ang dami naming gagawin, and then, nung nakita ko ‘yung calendar ko na hindi kami magsasama this year, sabi ko, at least itong sa Wansapanataym, magkasama man lang kami,” paliwanag ng Teleserye King.

Nahingan din ng eksplanasyon si Coco sa pagdalo niya sa premiere night ng Halik sa Hangin. Na kahit gaano siya ka-busy, talagang gumagawa siya ng paraan para makita si Julia at masuportahan ito.

“Eh siyempre, ganu’n,” natatawa niyang sabi, “pinahihirapan mo ako, eh,” biro pa niya.

“Hindi, di ba, ganu’n naman ang tao, kapag gusto mo ang isang bagay, siyempre kung alam mo na...” hindi na naituloy ng aktor ang sasabihin sabay-pakiusap na “tama na”.

So, lumalabas talaga na gusto niya si Julia at hindi na naman nakasagot ang aktor.

Say tuloy ni Julia na nasa tabi niya, “awkward kasi, tinatanong n’yo siya, nandito ako”.

Natanong din si Coco kung na-miss ba niya si Julia at sagot ni Coco, “siyempre po, kasi unang-una, medyo mahaba na rin ‘yung pagsasama namin ni Julia lalong-lalo na sa TV at pelikula. And then, nagsama naman kami sa Ikaw Lamang pero sabi ko nga, siyempre iba rin ‘yung kami talaga ang love team.”

Hindi lang sa Wansapanataym nag-request si Coco na makasama si Julia kundi may konsepto pa raw siyang ginawa for next year, isang pelikula naman na pagsasamahan nilang dalawa.

Maging si Julia ay inamin niyang na-miss niya ang leading man at everytime raw na tinatanong siya, si Coco raw talaga ang sinasabi niyang aktor na gusto niya laging katrabaho.

“Kasi, everytime na nakakasama ko siya, ang dami kong natutunan. And then dito, panibagong group na naman po, alam ko na marami na naman akong matututunan sa kanya. Kaya sobrang na-miss ko naman po talaga,” sabi ni Julia.

Natutuwa naman si Coco na ang dami raw na-excite nang malamang magkakasama sila.

“Nakakatuwa kasi ang daming mga tao na sila pa ‘yung mas nae-excite para sa amin, and then, nakakatuwa kasi alam naman naming nagiging effective kami sa mga bawat proyektong ginagawa namin,” sabi ni Coco.

When asked kung naging sila ba, say ng aktor na natatawa ay huwag naman daw pangunahan at baka maudlot.

“Hindi, hindi pa,” sagot pa niya.

Ayon naman kay Julia, si Coco raw talaga ang pinaka-close niya sa mga lalaking artista at nagsimula pa ang closeness nila way, way back, noong panahong halos nagsisimula pa lang sila sa showbiz.

Say pa ng young actress, wala naman daw sa love ngayon ang focus niya kundi nasa trabaho at pamilya.

vuukle comment

ALONZO MUHLACH

ANGEL AQUINO

BING LOYZAGA

COCO

COCO AND JULIA

JULIA

NAMAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with