^

Pang Movies

Sinundan ang hilig ng mga magulang Diego Castro pinasok na rin ang broadcast journalism!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sumunod na sa yapak ng kanyang yumaong ama si Diego Castro bilang isang newscaster at broadcast journalist.

Anchor na si Diego ng English news program ng UNTV na Why News. Bukod sa pagiging newscaster, may cooking segment din si Diego sa morning show ng UNTV na Good Morning Kuya.

Isa ring certified chef si Diego na nagtrabaho bilang isang Executive Chef para sa dalawang big food brands sa Pilipinas.

Kuwento ni Diego, si Daniel Razon ang siyang nag-encourage sa kanya na pasukin na ang pagiging isang broadcast journalist para maituloy nito ang legacy ng kanyang mga magulang na sina Angelo Castro, Jr. at June Keithley.

Pareho nang sumakabilang-buhay ang mga magulang ni Diego. Una ay ang kanyang ama noong 2012 at sumunod ang kanyang ina noong 2013.

“Kuya Daniel kasi was trained by my dad when he was starting as a newscaster. Kaya he feels that I can also be like my dad na magaling sa pag-deliver ng news.

“Una akong sinubukan sa pagbasa ng Tagalog news. Pero palpak yung audition ko. Hindi ako magaling talaga in delivering Tagalog words, eh.

“Then Kuya Daniel ask me to read an English news sa diyaryo. Doon ako pumasa and from there they want me to anchor the English news program ng UNTV.

“Biglang nag-flashback nga ako that I am really following my dad’s footstep. Before he became a newscaster, he was actor first. Nakatrabaho niya pa si Fernando Poe, Jr. Then he also took up culinary arts and became a chef.

“Hindi rin magaling si dad sa pagbasa ng Tagalog. That’s why he did not accept doing TV Patrol. Then they created the English news program The World Tonight so that he can anchor it.

“Kaya kinilabutan ako because I am doing all these things na pinagdaanan din ni dad.

“I’m pretty sure that wherever he and mom is, they will be proud me.

“For the longest time, they’ve always asked me what I want to do in my life and I couldn’t give them a straight answer. Now that I’m a broadcast journalist like them, ito na siguro iyon. This is a calling and I am up for the challenge.”

Makakasama ni Diego ang kanyang fiancé na si Angela Lagunzad sa morning show ng UNTV. Okey daw magkasama sila sa isang show dahil isang sasakyan lang daw ang dala nila at tipid sa gasolina.

Last year nga ay nag-propose na si Diego kay Angela on national television. Sa February 2016 nga nakatakda ang kanilang wedding at meron na silang isang anak named Mio (7 years old).

May tatlong anak pa si Diego mula sa unang wife niyang si Raven Villanueva named Angelica (16 years old) at sa kanyang second wife na si Rina Rosal ay sina Gianna (14) and Rafa (13).

“Angela took care of my daughters like they were her own kids. Kaya mahal na mahal ko yan for being a very patient and loving mom to my kids,” pagtatapos pa ni Diego Castro.

Charlie Sutcliffe napi-pressure sa pagpapaka-’yummy’!

Na-pressure ang Fil-Brit hunk na si Charlie Sutcliffe na ma-maintain ang ganda ng katawan niya dahil apat na beses silang naging shirtless sa bagong episode ng Wattpad Presents A House Full of Hunks ng TV5.

Sey ni Charlie ay nakadagdag pa sa pressure ay ang makasama niya ang kapwa hunks niyang sina John Spainhour, Albie Casiño, Sandino Martin, at Vin Abrenica.

“All the guys here are so ripped. It’s really a challenge to look good with them. Like with John, sabay kaming sumali sa Century Tuna Superbods in 2012 and he won. Albie, Vin and Sandino are also physically fit, so it’s really all about impressing our leading lady Jasmine Curtis-Smith,” ngiti pa niya.

Bukod sa Wattpad ay may natapos ding episode si Charlie para sa bagong show ni Derek Ramsay na Extreme Series.

Inaabangan din ang pagbabalik ng reality show na Juan Direction kunsaan marami ang naaliw sa mga kapwa Fil-Brits ni Charlie na sina Daniel Marsh, Henry Edwards, Brian Wilson, and Michael McDonnell.

“We will be starting our new season very soon. The rest of the boys are doing different jobs right now. Hintayin na lang ng mga fans namin ang pagbabalik ng Juan Direction.”

BF hinihinalang may kinalaman sa nangyari kay Bobbi Kristina

Iimbestigahan ng awtoridad ang boyfriend ni Bobbi Kristina Brown na si Nick Gordon dahil baka may kinalaman daw ito sa pagkakatagpo sa anak nila Whitney Houston at Bobby Brown na unconscious sa bathtub ng bahay nito sa Atlanta, Georgia.

Kasalukuyang under medically-induced coma pa rin si Bobbi Kristina sa Emory University Hospital pagkatapos ng isang linggong matagpuan siya mismo ni Nick at ito ang nagtawag ng paramedics via 911.

Ayon sa report, may mga unexplained injuries si Bobbi Kristina sa kanyang katawan nang matagpuan siyang face down sa bathtub nito.

Meron pala raw history of violence sa pagitan ng dalawa at baka meron itong kinalaman sa nangyari kay Bobbi Kristina.

Pinabulaanan ng pamilya ni Bobbi Kristina na kasal ang dalawa. Walang legal documents na nagsasabing ikinasal sila kahit na sinasabi nila na sila ay husband and wife in public.

Si Nick ay inampon ni Whitney noong 11 years old pa lang ito. Sabay ngang lumaki ito with Bobbi Kristina at nagkaroon sila ng relasyon.

Nalaman na lang ng pamilya ni Bobbi Kristina na si Nick na ang tumatayong manager nito at siyang nakikialam sa mga pera nito. Last year, noong mag-turn 21 years old si Bobbi Kristina, nakuha na nito ang unang bahagi ng kanyang minanang milyones mula sa kanyang yumaong ina.

Sa mga dokumento, ang buong mamanahing ni Bobbi Kristina ay higit sa $19 million.

 

vuukle comment

BOBBI

BOBBI KRISTINA

CHARLIE SUTCLIFFE

DIEGO

DIEGO CASTRO

JUAN DIRECTION

KANYANG

KAYA

KRISTINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with