^

Pang Movies

Janno kinagiliwan sa Walang Tulugan… hinihiritang maging regular co-host na

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sigurado kaming natuwa si Kuya Germs sa magandang gesture na ginawa ni Janno Gibbs bilang mentor niya ang Master Showman. Buong pusong ibinigay ni Janno ang serbisyo niya nang walang bayad bilang guest host sa nakaraang two episodes ng Walang Tulugan With the Master Showman.

Si Janno ay nagsimula bilang one of the original That’s Entertainment babies ni Kuya Germs noong 1980s. Nang nagkaroon ng karamdaman si Kuya Germs at kinailangang magpahinga ng ilang buwan ay nagprisinta si Janno bilang co-host kasama ang original cast ng weekend show ng GMA-7.

Sa unang episode pa lang na kasama si Janno ay marami na ang naaliw kay Janno bilang singer at co-host. Swak na swak ang batuhan nila ng mga joke ni Shalala na nagbalik sa Walang Tulugan from TV5. Kaya marami ang nagwi-wish na sana ay maging regular figure na si Janno sa midnight show ni Kuya Germs.

Sana may sumunod kay Janno sa dinadami-daming pinasikat ni Kuya Germs na nagmula sa That’s Entertainment. Ang dami-dami nila huh. Kahit isa-isa sila every week ay aabutin ‘yan ng more than a year. Kasama nga pala ni Janno si Sheryl Cruz na original That’s Entertainment baby din nang mag-host ito.

Matutuloy na kaya ang laban?! Pacman at Mayweather aksidenteng ‘nagkabanggaan’, nagkapalitan pa ng cell phone numbers

Aksidenteng nagkita sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. sa Miami Heat Arena sa Florida nang manood sila ng basketball. Nagkausap daw ang dalawa at nagbigayan pa ng cell phone number na timing naman sa mainit na usapan sa maraming umaasang pagtutunggali nila. Kaya malamang matuloy na nga ito sa pagkikita nila nang hindi inaasahan. Naglabasan ang mga pictures nila sa social media habang nag-uusap.

Empress isiniwalat na ang matagal nang kinikimkim na sama ng loob

Mariing itinanggi ni Dion Ignacio na pinag-iinteresan niya si Max Collins. Puro trabaho lang daw ang nasa isip niya at alam daw naman niya na may ‘na­ngangalaga’ na kay Max. In fact, katsikahan pa raw nito ang iniirog ni Max. Pero nang tanungin namin si Max sa presscon ng Kailan Naging Tama ang Mali ay tatawa-tawa lang ito. Hindi itinanggi at hindi rin inamin.

Samantala, hindi itinanggi ni Empress Schuck ang sama ng loob na na­ramdaman niya sa ABS-CBN. Meron man siyang sama ng loob ay kinikimkim na lang niya ito dahil sa dalawang taong nabakante siya at walang trabahong ibinigay ang network. Kaya nag-aral na lang ang aktres ng mga short courses habang walang ginagawa.

Laking tuwa naman niya nang kinuha siya ng GMA-7 at agad siyang binigyan ng project. Hindi naman daw siya nangapa at mainit daw siyang tinanggap ng Kapuso stars at production ng Kailan Naging Tama Ang Mali na magsisimulang umere sa Feb. 9.

Nova at Freddie balik-tambalan sa Pepito Manaloto

Nauuso ang mga throwback ngayon huh. Balik tambalan sina Nova Villa at Freddie Webb sa Pepito Manaloto. Ilang episode nang lumalabas si Freddie sa nasabing sitcom at kasal na ang susunod nating mapapanood. Ito yata ang pinagmulang away ng mag-inang Nova at Jessa Zaragoza.

Si Arthur Solinap ay naaksidente naman at naputulan ng litid. Kaya kaila­ngang operahan at magpapahinga muna ng ilang linggo bago makabalik sa Pepito Manaloto at hindi muna siya mapapanood tuwing Sabado ng gabi sa GMA-7

vuukle comment

DION IGNACIO

EMPRESS SCHUCK

FLOYD MAYWEATHER

JANNO

KAYA

KUYA GERMS

NANG

NIYA

PEPITO MANALOTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with