^

Pang Movies

Janice kinarir ang pagpapa-sexy!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Grabe ang ipinayat ni Janice de Belen. Talaga raw na sineryoso niya ang pag-aalaga sa sarili. Pero ang pagpapapayat daw ay dahil sa kanyang career at hindi sa lalaki.

Ngayong 2015, marami raw projects ang inio-offer sa kanya sa TV at pelikula. E, kailangang unahin ang sarili, magpaganda lalo at magpa-slim. At sa kauna-unahang pagkakataon, ang resulta ng kanyang pagwo-work-out ay makikita sa Oh My G! Sa presscon, pinalakpakan si Janice dahil nga sa new look ng aktres.

Janella pinagkatiwalaan ng ABS-CBN

Sa totoo lang, napakasuwerteng nilalang ni Janella Salvador dahil napakalaking project ang ibinigay sa kanya ng ABS-CBN sa unang pasok pa lamang ng 2015. Sa edad na 16 years old, first time ni Janella na maging lead star sa isang teleserye na tiyak na magpapa-inspire sa mga televiewers lalo na kung deboto ni Saint Therese de Avila na tinaguriang The Little Flower of Jesus. Magsisimula na ang Oh My G! mamaya bago mag-It’s Showtime. Makakasama ni Janella sa serye sina Dominic Ochoa at Sunshine Cruz bilang kanyang mga magulang, at sina Marlo Mortel at Manolo Pedrosa bilang kanyang leading men. Ito ay sa direksyon ni Roni Velasco.

KC at Paulo lubayan na ng haters

Wala naman sigurong masama kung magka-debelopan sina KC Concepcion at Paulo Avelino. Wala naman silang tinatapakan at walang nasasaktan. Sabi ng iba, hindi raw bagay ang dalawa. May ganoon?! Sa pag-ibig kasi, tanging ang dalawang nag-iibigan lamang ang makapagsasabi kung bagay sila o hindi, ang importante ay nagmamahalan sila. Sino ka para mang-husga?!

vuukle comment

DOMINIC OCHOA

JANELLA

JANELLA SALVADOR

JANICE

LITTLE FLOWER OF JESUS

MANOLO PEDROSA

MARLO MORTEL

OH MY G

PAULO AVELINO

RONI VELASCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with