^

Pang Movies

Trip to Europe ng bagong kasal sagot ng isang ninang

STARTALK - Lolit Solis - The Freeman

Live na live bukas ang Startalk bilang unang Sabado ng 2015 at sa pamahiin na dapat magtrabaho sa unang araw at linggo ng Bagong Taon.

Siyempre, may complete report ang Startalk tungkol sa katatapos na pagpapakasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ipapakita namin ang mga sidelight sa kasal tulad ng pakikipagbati ni Kris Aquino kay AiAi Delas Alas, mga interbyu sa mga ninong at ninang, ang pag-iisnaban ng mga magkakagalit pero walang choice kundi ang magpanggap na civil sa isa’t isa at kung anik-anik pa.

Nakunan ng Startalk ng video ang kusang paglapit ni Kris kay AiAi at ang reaksyon nito sa pakikipagbati ng kanyang “friendship”. There’s no business talaga like showbusiness.

Trip to Europe ang regalo kina Dingdong at Marian ng isa sa mga ninang nila sa kasal pero hindi ko na babanggitin ang name.

Richie-rich ang ninang dahil sinagot nito ang pamasahe at hotel accommodation ng newlyweds. Maghahanap na lang sina Marian at Dingdong ng schedule para magamit nila ang wedding gift ng very generous ninang.

I’m sure, nagbigay rin ng donasyon sa YES Pinoy Foundation ang ninang na bonggadera. Ang YES Pinoy ang foundation na sinusuportahan ni Ding­dong.

Jonalyn at Sheena walang mga lovelife

Naniniwala ako na parehong loveless sina Jonalyn Viray at Sheena Halili dahil wala silang mga kasama na mhin nang pumunta sila sa wedding reception nina Dingdong at Marian.

Hindi pa yata nakakahanap ng bagong mhin na mamahalin si Sheena mula nang maghiwalay sila ni Rocco Nacino.

Malihim naman si Jonalyn kapag lovelife ang topic pero sumusumpa siya na single.

Nakita na seryosong nag-uusap sa isang table sina Julian Trono at Julie Anne San Jose pero hindi dapat bigyan ng malisya dahil magkabarkada lamang sila.

Natsitsismis na tomboyita si Julie Anne pero pinabulaan niya ang isyu.

Mga bulaklak sa royal wedding inilipad galing Singapore

Ang gaganda ng flowers na ginamit sa kasal nina Marian at Dingdong.

Fresh from Singapore ang mga bulaklak kaya hindi nakatiis ang ibang mga bisita na mag-take home, lalo na ang giant red roses na nakalagay sa mga table.

Ang sey ng isang bisita, naging maliit sa pa­ningin niya ang MOA Arena dahil sa dami ng invited guests nina Marian at Dingdong. Hindi mo raw iisipin na isang concert venue ang The Arena na nagmistulang paraiso dahil sa libu-libo at iba’t ibang klase ng bulaklak na inilipad pa mula sa Singapore.

Kung nagpunta ako sa wedding reception, tiyak na hindi ko mapipigilan ang sarili ko dahil mag-uuwi rin ako ng mga bulaklak.

                                

vuukle comment

BAGONG TAON

DELAS ALAS

DINGDONG DANTES

JONALYN

JONALYN VIRAY

JULIAN TRONO

STARTALK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with