^

Pang Movies

Zsa Zsa sa bahay na ng boyfriend nakatira, namamayat dahil sa mataas na cholesterol!

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Nakakuwentuhan namin si Zsa Zsa Padilla sa magara nilang tahanan ni Conrad Onglao sa San Lorenzo Village at namang­ha kami sa pagkakadi­senyo ng bahay ng magiging Mister. Puro salamin ito at napaliligiran ng magagandang halaman kahit sa loob ng bahay. Hanggang fourth floor ang bahay pero may elevator.

Narun sa kanilang tahanan ngayong Kapaskuhan ang dalawang anak na lalaki ni Conrad na ang pa­nganay ay 26 years old at 22 naman ang bunso. Puwede silang maging artista dahil kapwa guwapo ang mga ito. Maganda ang samahan ng pamilya kay Zsa Zsa.

Ayon sa Divine Diva naging memorable ang nakaraang Pasko dahil nag-bonding sila ng buong pamilya kasama ang mga anak ng aktres at singer sa isang tahimik na lugar kasama rin ang pamilya ni Conrad.

Higit na magiging masaya ang kanilang Bagong Taon dahil sama-sama uli sila.

Compatible sina Zsa Za at Conrad dahil pareho silang homebody, mahilig magluto, at mahilig sa paghahalaman.

Nangayayat ang Divine Diva dahil tumaas ang kanyang cholesterol kaya kailangan ang puspusang diet.

Magiging busy si Zsa Zsa dahil may Valentine’s concert ito at gagawa rin ng album bukod pa sa pagiging mainstay ng ASAP19. Katatapos lang nito ng isang indie movie kung saan mapaghamong karakter ang kanyang ginampanan.

Jean Garcia sasariwain ang love story nina Wowie, Dino, at Fabio

Salubungin ang Bagong Taon ng mga kuwentong pumuno ng ng kilig at pagmamahalan sa Love Rewind New Year Special ng Love Hotline. Matutunghayang muli ang kuwento ng pag-ibig nina Wowie de Guzman, Dino Guevarra, at partner na si Karen Gabriel, pati na rin ni Melissa Mendez na ang isyu ay sangkot sa anak na si Denise Oca laban kay Fabio Ide.

Magiging tagapayo si Jean Garcia at Papa Dudut sa Love Hotline.

vuukle comment

BAGONG TAON

CONRAD

CONRAD ONGLAO

DENISE OCA

DINO GUEVARRA

DIVINE DIVA

JEAN GARCIA

LOVE HOTLINE

ZSA ZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with