^

Pang Movies

Mama’s boy pa rin, malambot, at nahuli pang sinusukat ang bestida, aktres naloka sa binalikang BF!

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagsisi ngayon ang isang actress kung bakit pa siya nakipagkalas sa boyfriend na foreigner para makipagbalikan lang sa kasalukuyan niyang boyfriend. Natuklasan kasi niya na Mama’s Boy pa rin ito hanggang ngayon. Hindi ito makagawa ng sariling desisyon at laging nanay niyang hindi gaanong aktibo sa pelikula ang tinatawag.

Nanghihinayang siya at medyo malambot ang kanyang boyfriend ngayon hindi gaya ng dating BF na lalaking-lalaki dahil athlete nga ito. Feeling nga niya, mas malakas pa siya sa BF niya ngayon at mas mahilig pa siya sa sports gaya ng martial arts.

Minsan, naloka siya nang mahuli niyang sinusukat nito ang kanyang bestida at high heels. Katwiran nito, baka magkaroon siya ng gay role kaya ngayon pa lang, inihahanda na niya ang kanyang sarili.

Kapag silang dalawa na lang sa kama, napapansin niyang mas humahalinghing pa ito kaysa kanya!  At dito siya nagdadalawang-isip kung hihiwalayan na ba niya ito?

Iya misis na misis na ang hitsura

Pinainit daw ni Iya Villania ang dance floor ng Sunday All Stars nang mag-guest ito.  Pero sana raw ay nagpakaseksi na ito nang husto para makuha niya ang attention ng mga viewers ngayong nagbalik na siya sa GMA 7. Halata raw tuloy na misis na siya.

Yes! Misis na nga si Iya ni Drew Arellano na taga-Siyete rin, kaya nagbalik siya sa Kapuso channel after 10 years. Ayaw na kaya siyang bigyan ng break ng ABS-CBN matapos niyang magpakasal sa mahusay na host na si Drew?

Toni sobrang nababaitan kay Jolens noon pa

Si Kuya Boy Abunda ang nagpaalala ng style ng buhok ni Jolina Magdangal na pabagu-bago noon nang kapanayamin niya ito sa The Buzz. “Past na ‘yon. Pero noong kainitan noon ng pagbabagu-bago ng style ng buhok ko noon, ang dami talagang gumagaya,” sabi ni Jolina.

Si Toni Gonzaga naman ang nag-recall. “Naging front act ako noon sa mga concerts ni Jolina at wala akong ginawa noon kundi pagmasdan siya. She is friendly noon kahit baguhan pa lang ako. Wala siyang ere. Kaya hindi ko siya makakalimutan. Sabi nga ng father ko noon, siya ang gawin mong role model.”                              

vuukle comment

DREW ARELLANO

IYA

IYA VILLANIA

JOLINA

JOLINA MAGDANGAL

NIYA

NOON

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with