^

Pang Movies

Ni hindi pa sila naghahalikan mapapangasawa ni Jewel Mische sobrang conservative

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Matagal na nawala sa eksena ang dating Kapuso actress at StarStruck UItimate Sweetheart na si Jewel Mische. Noong lumipat ito sa ABS-CBN 2, halos wala ring nabalitaan sa kanya.

Heto at ikakasal na pala siya sa kanyang American fiancé na nagngangalang Alister.

Nakilala ni Jewel ang kanyang fiancé sa isang Christian church two years ago noong magbakasyon ito sa Pilipinas.

Long distance love affair ang nangyari sa dalawa dahil base sa U.S. si Alister. Nagtatrabaho ito bilang part ng research and developmental team ng General Motors sa U.S.

Pero hindi naging problema iyon dahil madalas naman daw silang mag-usap via video calls.

“Aside from the help of technology, Alister would also come to the Philippines every two to three months to visit me,” sey pa ni Jewel na kababalik lang mula sa U.S.

Isang winter wedding ang nakatakdang gawin nila Jewel at Alister. At ang maganda pa raw sa samahan nila ay umiwas sila na magkaroon ng pre-marital sex.

“When we got together one day, he was like, ‘You know, it would be very hard for me not to kiss you. But I want to wait until we get married, I hope you don’t mind.’

“And I was just shocked! I couldn’t believe what I just heard! That’s just one of the many confirmations that he is the future husband I have envisioned!

“We both have the same Biblical mind set. We view sex as a priceless treasure box and as God’s wedding present.

“Waiting to kiss makes this much more attainable!

“I know it seems absurd and ridiculous but it’s true! It’s quite challenging, but we like the challenge and we’re almost there.”

Tapos ng music course sa Cathedral of Praise Music College si Jewel.

Bago ang kanyang fiancé, na-link romantically si Jewel sa mga aktor na sina Paulo Avelino, Richard Gutierrez, at Jason Abalos.

Tanya pinag-boxing si Maricar para mailabas ang galit kay Don Allado

Isa si Tanya Garcia sa binanggit ni Maricar de Mesa na mabilis na nagbigay ng suporta sa kanya noong nagdaraan siya sa maraming problema sa pagsasama nila ng kanyang mister na si Don Allado.

Naging matalik na magkaibigan nga sina Tanya at Maricar noong magkasama sila sa GMA 7 teleserye na Sana Ay Ikaw Na Nga noong 2002.

Nag-file na ng annulment si Maricar para mapawalang bisa na ang kasal nito sa kanyang estranged husband at isa si Tanya sa unang nakaalam nito.

Labis ding nalungkot si Tanya dahil nauwi sa hiwalayan ang dating magandang samahan ng dalawa.

“Nalaman ko na nagkakaproblema na sila ni Don noong nagte-taping pa kami ng Villa Quintana last year. Noong sinabi nga ni Ikay (nickname ni Maricar) na totoong may malaking problema sila ni Don sa marriage nila, nalungkot ako kasi saksi ako sa panliligaw pa ni Don sa kanya noon.

Noong dumating na ang problema sa marriage nila Maricar at Don, ipinakita ni Tanya agad ang kanyang concern sa kaibigan.

“Lagi kasing super-down si Ikay. Lagi siyang malungkot. Kaya ako, lagi ko siyang tine-text kung okey ba siya? I was always checking on her kasi baka kung ano na ang gawin niya sa sobrang kalungkutan niya, ‘di ba?

“Hanggang sa imbitahan ko na siya parati sa gym. I was into boxing that time. Niyayaya ko siya na mag-workout. Kesa sa magmukmok ka sa kuwarto na nag-iisip ka and feeling sorry and defeated, lumabas ka and let your anger out sa boxing,” sey pa ni Tanya.

Ipinagdasal ni Tanya na sana ay maayos pa ang pagsasama ng kanyang kaibigan at ang mister nito.

“I prayed for them. Kasi ayokong may kaibigan ako na may ganyang problema.

“Nakakapanghinayang kasi na nakita mo silang masaya at very sweet sa umpisa. Bagay na bagay sila talaga. Tapos biglang ganito ang mangyayari.

“When they finally decided to file an annulment, ‘yun na nga siguro talaga ang dapat mangyari. I know that Ikay did her best to save their marriage.

Nakita na nga ni Tanya na mas at peace na ngayon si Maricar noong mag-file na ito ng annulment. Unti-unti na nababawasan ang matinding bigat sa likod nito.

“Ikay is a lot happier now. She is moving on. And she’s back and working again. The last time na mag-usap kami, okey na siya. Gusto lang niya to start fresh. I pray that she will be able to find her happiness again after everything that she’s been through,” diin pa niya.

Busy na nga ulit si Tanya dahil bumalik ang kanyang character sa GMA-7 teleserye na Strawberry Lane. At may bago nga siyang business kasama ang ilang partners. Ito ay ang gastropub na Locavore na located sa Barangay Kapitolyo in Pasig City.

vuukle comment

BARANGAY KAPITOLYO

BUT I

DON ALLADO

IKAY

KANYANG

MARICAR

NOONG

TANYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with