^

Pang Movies

Sarah kambal ang gustong maging kasunod ni Baby Zion!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Kambal ang gustong anak na kasunod ni Baby Zion! Ito ang deklarasyon ni Sarah Lahbati habang kinakausap ni Raymond Gutierrez sa advance 21st birthday party niya sa Gramercy’s last Tuesday. Bale October 9 talaga ang birthday ng Kapuso actress. Sumunod sa Moroccan motif ang karamihan sa guests gaya nina John Lapus, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Rufa Mae Quinto, at iba pa.

Present din siyempre ang Gutierrez family led by Sarah’s partner Richard, Ruffa, Annabelle Rama, at ibang GMA executives. Tiyak na mapapanood sa reality show na It Takes Gutz to be a Gutierrez sa E! channel.

Tuwang-tuwa kasi ang Gutierrez dahil sa magandang feedback ng unang episode ng reality show last Sunday. Nag-trending ang show at pinag-usapan sa iba’t ibang social media networks.

Siyempre pa, kung merong acting award na dapat bigyan sa reality show si Tita Annabelle ‘yun, huh! Natural kasi ang pagiging ko­medyana niya pero hindi lang katarayan ang ipinakita niya kundi ang pagiging lola, ina, at tao.

Kaaliw-aliw din ang sagutan nila ni Rufing, huh! Kapwa “patola” (mapagpatol) ang isa’t isa kaya matatawa ka.

This Sunday ang second episode ng series at hindi lang sa Channel 57 sa Skycable ito mapapanood kundi pati sa Destiny digital channel 57, Cignal cable channel 25, at Cable Link sa channel 33.

Gabby inaming mami-miss si Gardo

Magwawakas na ang nabuong tandem na Gar-By sa GMA afternoon drama na Dading bukas.  Ayon sa bida na si Gabby Eigenmann, ang tandem nila ni Gardo Versoza ang “poor version” ng Tom-Den nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo.

“Gardo and I clicked away. Sobrang nag-enjoy kami sa aming role at never kaming nagsapawan. Kaya nga mami-miss namin ang isa’t isa. ‘Pag nagkita nagsama kami uli sa isang show, siguro naman, lalaki na kaming talaga! Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Gabby.

Kahit napagkakamalan na bading ‘pag lumalabas kasama ang pamilya, hindi pa rin nawawala ang respeto niya sa third sex.

“Kahit nakakatawa sila minsan, pagdating naman sa seryosong bagay, lalaki pa rin ang disposis­yon nila,” saad pa ng aktor.

Matatagalan pa bago muling mapanood si Gabby bilang bading.  Pero hindi siya nangingi­ming tumang­gap uli ng katulad na role lalo na kung mapaghamon ito sa kakayahan niya bilang aktor.

Papalitan ang Dading ng Yagit na magpapaiyak naman sa hapon na pagbibidahan ng bagong batang cast together with Yasmien Kurdi, James Blanco, Renz Fernandez, at iba pa.

Patrick ‘di na namimili ng role matapos maging Christian

Christian wedding next year ang magaganap kay Patrick Garcia sa girlfriend na si Nikka. Sa Blue Leaf Pavillion gaganapin ang kasal nila pero sa Balesin naganap ang pre-nuptial proposal nila.

Malaking tulong din daw kay Patrick ang pagiging Christian kaya naman hindi na siya namimili ng role kung bida man siya o hindi sa bago niyang soap na Two Wives.

Tuluyan mang nakalimutan na ni Patrick si Jennlyn Mercado, nananatili pa rin naman daw ang pagmamahal niya sa anak nila na si Jazz.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

BABY ZION

BALE OCTOBER

CABLE LINK

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

GABBY EIGENMANN

GARDO AND I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with