^

Pang Movies

Sunshine minamani na lang ang mother roles

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Magkakasunod ang mga teleserye ni Sunshine Dizon at hindi ito nagrereklamo dahil mahal na mahal nga niya ang acting at nagpapasalamat siya na parati siyang nabibigyan ng bagong project.

Sa latest teleserye niya na Strawberry Lane, muli niyang makakasama at magiging katunggali si Sheryl Cruz na una niyang nakasama sa pinagbidahan niyang Bakekang.

Malaki raw ang paghanga niya kay Sheryl dahil noong mga panahong nagsisimula pa lang siyang magbida, pumayag si Sheryl na maging kontrabida niya.

“Kaya nandoon pa rin ang paghanga ko sa kanya. Hindi siya maramot na artista. Kaya naman marami ang gustong katrabaho siya parati,” ngiti pa ni Sunshine.

Sunud-sunod ang mother roles ni Sunshine at mas nagugustuhan daw niya ang gumanap na ina dahil mother naman siya sa tunay na buhay.

 “Kung noong dalaga pa ako ay gumaganap na ako bilang ina, ngayon ay mas feel ko na. Mas marami na akong maiibigay na emotions,” pagtatapos pa ni Sunshine Dizon.

TV commercial model na sumikat sa McDo, pasok sa primetime seryeng Hiram na Alaala

Pinasok na ng commercial model na si Kenneth Paul Cruz ang pag-aartista pagkatapos siyang makilala sa McDonald’s commercial kung saan inaasikaso niya ang kanyang “kuya” na isang special child.

Ang tawag na kay Kenneth ng mga nakakakilala sa kanya ay “si Kuya” dahil sa malakas na impact ng commercial na iyon.

 “I can say that it’s the biggest commercial I did. Ever since I was 14 years old, I’ve been doing many commercials na. ‘Yung McDonald’s ang pinakamalaki kasi nakilala nila ako dahil sa magandang message nito,” ngiti pa niya.

Hindi nga masabi ni Kenneth kung magkakaroon pa ito ng sequel.

 “Sana matulad ito sa commercial nina Lolo at Karen. Nakailang versions iyon and it was very successful. Sana mangyari iyon sa amin ni Kuya.”

Kasama si Kenneth sa bagong primetime series ng GMA 7 na Hiram na Alaala. Bale second teleserye na niya ito dahil nagkaroon siya ng guest role sa Carmela.

Isinulat ang galit sa kanta, Katy Perry sinabotahe raw ang tour ni Talyor Swift

Kinumpirma ng isang back-up dancer na ang sinasabi ni Taylor Swift na singer-celebrity na pinakitaan siya ng masamang pag-uugali ay si Katy Perry.

Si Katy daw ang babaeng nasa awitin ngayon ni Taylor na may titulong Bad Blood.

Sa interview ni Taylor sa Rolling Stone, sinabi ng 24-year-old na hindi niya mapapalampas ang ginawa ng celebrity na ito dahil pananabotahe na raw ang ginawa nito sa kanya.

 “It had to do with business. She basically tried to sabotage an entire arena tour. She tried to hire a bunch of people out from under me,” bunyag pa ni Swift.

Sa interview ng dancer na si Lockhart Brownlie, ikinuwento nito ang pagbalik niya kay Katy after niyang magtrabaho with Taylor.

“I was with Taylor for the first six months. It was a great experience and she’s a great person to work with, but then Katy contacted us. Obviously we were with Katy for 2 and a half years, she’s like family to us.

 “So we were like, ‘Absolutely.’ We weren’t really dancing in Taylor’s tour anyway, so I had got a little bored and really wanted to do a promo tour,” kuwento pa niya sa The Examiner.

Magkaiba raw ang experience niya with Taylor and Katy.

“Taylor is very untouchable. When we did see her, we had so much fun with her, but she’s a lot more protected than Katy.

“Katy’s 28 now and can do her own thing. Her team are so lovely, so we have such a good connection. And this time around, she is a lot more in control,” dagdag pa ni Brownlie.

vuukle comment

ALAALA

BAD BLOOD

DAHIL

KATY

KATY PERRY

KENNETH

NIYA

SUNSHINE DIZON

TAYLOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with