^

Pang Movies

Carla at Tom nagkakahawig na!

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Hanggang ngayon ay wala pa ring namamagitang relasyon kina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Pero ngayon ay unti-unti nang lumalambot ang puso ng dalaga sa kanyang ka-love team. Na-touch ito nang gumawa ng tula at kanta ang aktor na handog para sa kanya.

‘‘Sa panahon kasi ngayon tutok na ang mga tao sa social media at wala na halos nagko-compose ng tula o awitin para sa isang dalaga at binata, anang aktres.

Hindi kaya humantong ang pagiging close ng dalawa sa totohanang relasyon? Kunsabagay nagkakahawig naman sila at bagay sa totoong buhay, ‘di ba?

2014 MMFF New Wave mas malaki ang papremyo

Sa presscon ng New Wave Section ng Metro Manila Film Festival ay inihayag ni Ms. Digna Santiago na ang mga premyo sa New Wave ay mas malaki at more exciting sa taong ito.

May apat na kategorya sa festival gaya ng Full Length, Animation, Student Shorts at Cinephone. Ang mga entries ay tinatanggap na ngayon sa MMDA Office sa Makati City.

Si Atty. Francis Tolentino, MMDA Chairman ang brainchild sa MMFF New Wave na ipinakilala noong 2010 dahil sa patuloy na kasikatan ng indie films na isang paraan para maipakita ng mga estudyante at independent film producers ang kanilang talento.

Ngayong taon ay ipinagdiriwang ang 40th year kaya ipagpapatuloy ng MMFF ang pagsuporta sa independent films sa pamamagitan ng mas malaking New Wave Section.

Ang cash prize na P300,000 ay ipagkakaloob sa winner ng full-feature category at P200,000 para sa Special Jury prize at P100,000 para sa Best Picture ng Animation Section. For Student Shorts ang Best Picture ay tatanggap ng P50,000 cash prize at P25,000 each for Special Awards. Six winners ng Cinephone competition ay tatanggap bawat isa ng P25,000 plus paid internships mula sa Viva Films, Scenema Concept at Quantum Films at iba pang exciting prizes.

Lahat ng winners ay ihahayag sa MMFF Awards Night.

 

vuukle comment

ANIMATION SECTION

AWARDS NIGHT

BEST PICTURE

CARLA ABELLANA

FOR STUDENT SHORTS

FRANCIS TOLENTINO

FULL LENGTH

MAKATI CITY

NEW WAVE

NEW WAVE SECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with