^

Pang Movies

Sen. Chiz hindi ma-take ang pagiging gastador ni Heart

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Marami ang nag-aabang sa love story ng Kapuso actress na si Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero. From the looks of it kasi ay mukhang sila na talaga ang magkakatuluyan at inaabangan na nga ang kanilang pagpapakasal. May mga bagay lang na inaayos talaga si Heart sa kanyang pamilya para tuluyan na nitong makamtan ang happiness na pinakahihintay sa buhay.

“Definitely, may plano. Hindi niya sinabi sa akin kung kailan. “Basta sabi niya, not this month. Hindi ‘not this year ha?’ Not this month daw.

“Meron na siyang plans, it’s lingering.

“Siyempre, ayaw naman niya i-ruin ‘yung surprise sa akin, basta kaming da­lawa na lang ang nag-uusap. We both know, it will be soon,” say ng napakagandang si Heart sa programang Startalk.

Pero may mga naglabasang balita na na­dismaya raw siya nang hindi nag-propose sa kanya si Senator Chiz sa kanilang bakasyon sa Europe.

“Nag-uusap kami ni Chiz actually. We both know kung ano ba talaga ang plans namin. Para sa amin, it’s a very delicate situation lang kasi, so we don’t wanna be insensitive about it.

“There’s this thing that we have to consider regarding how we approach the parents’ side, all these things.

“It’s something that we have to plan. So we talk about it a lot,” pag-amin pa ng dalaga.

Ang tinutukoy ni Heart ay ang problema pa rin sa kanyang mga magulang, na gusto naman daw sana nilang maayos.”

Samantala, super-nag-enjoy daw siya sa trip nila sa Paris ng kanyang boyfriend. Sobrang worth it daw ang biyahe nilang ito dahil marami siyang natutunan kay Senator Chiz.

“Dami niyang itinuro sa akin para hindi ako matakot na mawala. Tinuruan niya ako how to travel wisely, mga ganyan.

“Tapos nung nag-shopping ako, tinuruan niya akong mag-handle ng money, ganyan. “Nung third day, umiyak pa nga ako, kasi nag-max na ang card ko.”

‘Tapos, gagamitin ko na sana ang isa kong card, pinagalitan na niya ako. Sobra na raw ang gastos ko, ganyan-ganyan. Pinigilan na niya ako, kasi um-over na talaga ako, as in.

“Kaya medyo nagpasyal-pasyal na lang kami nung sumunod na araw. “Sabi niya kasi sa akin, pera ko raw ‘yun, pero this is not the way to live life.

Pinagsabihan niya ako. “So, nag-heart-to-heart talk kami about lifestyle, about how to live simpler. “Hindi na nga raw niya ma-take kung paano ako gumastos sa sapatos ko!” pahayag pa ni Heart.   

vuukle comment

AKO

CHIZ

HEART

HEART EVANGELISTA

NAG

NIYA

SENATOR CHIZ

SENATOR CHIZ ESCUDERO

TAPOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with