^

Pang Movies

Unang saltada pa lang sa pelikula kinaiinisan na: Sofia Andres inaaway ng Kathniel fans

Wilbur Hernandez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagkatapos ng kanyang role bilang kapatid ni Kathryn Bernardo sa Princess and I, ang unang successful na teleseryeng pinagbidahan ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa telebisyon, pinalad ang bagong aktres na si Sofia Andres na makasama muli ang love team na ito sa She’s Dating the Gangster na directed by Cathy Garcia-Molina sa Star Cinema.

Pero rito sa kanyang first major movie, inamin ng magandang dalagang si Sofia na nakaranas pala siya ng bashing from “quite a number ng netizens at nagtu-tweet. Hindi naman po sila marami pero one way or another naapektuhan po ako,” sinabi ito ng bagong talent ng Star Magic during the press conference ng She’s Dating the Gangster sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, noong Biyernes.

Puno at mistulang concert ang venue ng presscon dahil bukod sa kumpletong attendance ng press, pati na ang fans club nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay present na bawat sagot ni Kathniel eh tilian nang tilian. Hindi naman talaga na-conscious sa pag-amin si Sofia sa bashing na dinaras niya. She did not even fidget in her seat at nag-remain na naka-de kuwatro ang upo at composed pang magsalita. Pero sa isang interview sa dressing room hallway ng naturang network matapos ang press conference, inihayag ng baguhang aktres who looked pristinely pretty in her sleepless turquoise chiffon dress with an overlay skirt na “nung una ko nga pong mabasa iyung mga pamba-bash, hindi ko po maiwasang masaktan pero inisip ko na lang po bago lang kasi ako sa industriya. Marami pa akong kailangang matutunan, kaya I chose to ignore na lang po iyung mga negative posts na nabasa ko,” humble na sinabi ng newbee with a smile.

Ano ba ang dahilan kaya siya initially na-bash? Kasi pala, since merong kung baga anggulo ng love triangle sa She’s Dating the Gangster “Ang naging dating po sa mga bashers siguro, third party po either ako or role ko. Tapos nag-assume po siguro sila na may kissing scene kami ni Daniel,” natawang pahayag ng mapu­ting talent na may pagka-Chinese ang kagandahan. Kaya naman pala hindi na rin muna siya nagbubukas ng kanyang Twitter account lately. “Kung magtsi-check naman po ako ng Twitter ko, mabilis lang na scrolling pero sa isip ko, sige, let them say kung anong gusto nila. Hindi ko na lang po ina-allow na maapektuhan ako. Hindi po natin maaalis iyon eh. Kase po isipin ko na lang it’s always good to take words like those bilang constructive criticism na lang,” pagtatapos ni Sophia.

Positive ang attitude nitong magandang bata ‘di ba Salve A.?  

 

vuukle comment

CATHY GARCIA-MOLINA

DANIEL PADILLA

DATING THE GANGSTER

DOLPHY THEATER

KATHRYN BERNARDO

LANG

PERO

PRINCESS AND I

SALVE A

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with