^

Pang Movies

Ogie at Regine gagawin ang lahat sa Indonesia para masundan na si Nate

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kahapon, June 26, umalis si Mr. Songwriter Ogie Alcasid for Bali, Indonesia para sa family vacation nila, hanggang July 6 sila doon.

“First time na mabubuo ang family ko, kami ni misis, si Nate, ang family namin ni Regine at tutuloy na rin doon from Australia ang mga anak kong sina Leila at Sarah at sina Michelle at Mark,” kuwento ni Ogie nang makausap namin sa taping break ng bago niyang show sa TV5, ang Let’s Ask Pilipinas. 

“Masaya ito kahit wala akong pahinga sa taping at may jet lag pa from my Freedom Concert Tour sa States. Dapat nga may isa pa akong show, pero tinawagan na nila ako para sa taping nito dahil nga may naka-schedule na akong vacation at sa July 7 na ang pilot telecast namin. I have to finish taping four episodes today at pagbalik ko sa July 6 saka iyong isa pang episode dahil daily kami, from 11:15 a.m. to 12:00 noon.”

Bago raw siya umalis for the Freedom Concert Tour, kinausap na siya ng TV5 na he will host the show formerly hosted by Aga Muhlach. Wala siyang alam kung bakit hindi na si Aga, hindi rin daw niya nakausap muna si Aga, pero ipinaubaya na niya ito sa TV5.  He is a good soldier daw at sinunod lamang niya ang sinabi sa kanya, he likes the show daw at noon pa ay pinapanood na niya ito.  Happy siya na after Confessions of a Torpe, he’ll do hosting job naman. Pero may balak daw na magkaroon ng part two ang sitcom nila ni Alice Dixson na nagtapos na mag-asawa na sila. Nang i-offer sa kanya ang show, hiningi muna niya ang opinion ni Regine na sumang-ayon naman.

“Ang policy ko sa buhay, ang trabaho, eh, trabaho.  At my age, mamimili pa ba ako?  Sa show, I will be myself as a host, pero may dinagdag lang ako, during the show, kakanta ako with the audience, para mas masaya.”

Nagulat kami sa kuwento ni Ogie na, at two and a half years old, nakababasa na si Nate ng words na hindi script (iyong kabit-kabit ang pagkasulat), gulat na gulat nga raw sila ni Regine nang binasa ni Nate ang name ng brand ng isang bottled water, wala namang nagtuturo at they tried sa ibang pwedeng mabasa nito, nabasa ng anak. 

“Nakakagulat talaga si Nate, ang landing bata. Noong magkakasama kami ni Marian (Rive­ra), na na-miss ko rin dahil matagal na kaming hindi nagkikita, halik nang halik sa kanya si Nate.”  Biniro tuloy si Ogie na mas mabuti na si Marian ang hinahalikan ni Nate at hindi si Alden Richards na kasama rin nila sa show.

Kailan ba nila susundan ni Regine si Nate?

“Kaya nga kami magbabakasyon, para magkaroon naman ng chance to be together.  Ang dami kasi naming work, minsan magkahiwalay pa kami ng trabaho, kaya itong ten days vacation namin, sana may mangyari,” biro pa ni Ogie.

Bukod sa Let’s Ask Pilipinas, pinaghahandaan din ni Ogie ang kanyang coming birthday concert sa Music Museum sa August 28, a day after his birthday on August 27.  Throwback Thursday With Mr. A ang title ng concert which he will produce. Songs of the 80’s and 90’s ang kakantahin niya. 

 

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALDEN RICHARDS

ALICE DIXSON

ASK PILIPINAS

FREEDOM CONCERT TOUR

NATE

OGIE

SHOW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with