^

Pang Movies

Baby Zion may designer na agad!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang kilalang designer na si Rajo Laurel ang may gawa ng damit na isusuot bukas ni Baby Zion sa kanyang binyag at first birthday celebration.

Ang motif ng okasyon ay parang forest kaya naman request sa imbitado ay magsuot ng kulay khaki o ‘di kaya ay pang-jungle na outfit.

Magsasanib-puwersa bilang ninong at ni­nang ang mga bigatin sa showbiz, politics, at business. Take note na ‘yung original na 25 pairs ng ninong at ninang ay nadagdagan pa, huh!

Naku, si Baby Zion na nga ang youngest newsmaker ng 2014!

GF ni Jake walang interes sa showbiz

Sa Bali, Indonesia, nagtapat ng pag-ibig si Jake Cuenca sa Australian girlfriend niya nga­yon na si Channel. Ayon sa aktor na naging guest sa event ng HBC National Make Over Day last June 12, nagkakilala sila ng modelong girlfriend sa isang event sa pamamagitan ng isang kaibigan.

“I am in love and for keeps na sana!” sambit ni Jake nang makausap ng media.

Ngayon lang daw uli kasi nagkaroon ng non-showbiz girlfriend si Jake kaya gusto niyang i-enjoy ang nararamdaman niya.

“Sobrang refreshing sa akin. Na-in love ako sa kanya. May buhay naman sa labas ng trabaho,” rason ng aktor.

Hindi kilala ni Channel si Jake bilang artista. Pero ngayong alam niyang artista siya, todo suporta ang girlfriend niya.

 â€œWala pa namang kasalan. Kinikilala pa namin ang isa’t isa,” saad pa niya.

Sa Instagram account ni Jake, todo ang depensa  niya sa nagba-bash sa girlfriend.

Teka, bakit nga pala siya tumigil sa panliligaw kay Jessy?

“Ahh, lagi ko namang sinasabi na mahirap kasi pareho kami ng manager, ‘di ba? So parang merong brother-sister aspect. Siyempre, sobrang busy namin pareho. Napakasuwerte ko at nakilala ko si Channel!” pagmamalaki ni Jake.

Wala bang balak mag-artista ang girlfriend niya?

 â€œTinanong ko naman siya. Ayaw niya. More than anything, gusto niyang maging host. ‘Yung pag-arte, parang…Kung gusto niya, hindi ko siya pipigilan. Pero wala ‘yon sa plano niya,” tugon ni Jake.

vuukle comment

BABY ZION

JAKE

JAKE CUENCA

NATIONAL MAKE OVER DAY

NIYA

PERO

RAJO LAUREL

SA BALI

SA INSTAGRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with