^

Pang Movies

Pokwang gustong ipapapanood kay Bea ang tikiman nila ni Zanjoe

- Vinia Vivar - Pang-masa

King and Queen of Skylight Films ang bansag kina Zanjoe Marudo and Pokwang dahil na rin sa sunud-sunod na tagumpay ng kanilang pelikula last year.

Si Zanjoe ay nagbida sa pelikulang Bromance habang si Pokwang naman ay sa Call Center Girl. Ngayon ay mag­kasama na sila sa isang pelikula, ang comedy film na My Illegal Wife.

Sa nasabing pelikula ay may love scenes sina Pokwang and Zanjoe kaya ang tanong nga sa komedyana ay kung hindi ba nagselos sa kanya ang girlfriend ni Zanjoe na si Bea Alonzo.

“No,” mariing sabi ni Pokwang. “Knowing Bea. Iisa lang ang aming manager. May mga time na nagba-bonding kami sa bahay ni Bea o sa bahay ko. Nagluluto, ganyan-ganyan.

“So, pamilya kami. Ganu’n ka-professional ang Star Magic Artists.

“Actually, si Bea ang mas excited sa amin kung makapag-post sa Instagram kaya very thankful kami kay Bea. Unang-una siya ‘yung nagpo-post na suportahan kami.”

Invited ba si Bea sa premiere night ng My Illegal Wife?

“Sabi ko nga kay Zanjoe kailangan bitbitin mo si Bea, ‘di puwedeng wala siya,” say ni Pokie.

Showing na ang My Illegal Wife sa June 11 mula sa direksyon ni Tony Y. Reyes.

Marjorie nakikiusap ng dasal para kay Julia na isinugod sa hospital

Nagsisimula nang maranasan ni Julia Barretto ang ika nga’y “prize of success” dahil isinugod siya sa hospital noong Miyerkules dala marahil ng sunud-sunod na trabaho.

Si Marjorie Barretto ang nagbalita sa kanyang Instagram na may sakit ang anak.

“Julia is not well. Lets pray she gets well right away. First time for her to get hospitalized,” ang caption ni Marjorie sa larawang ipinost kung saan ay makikita ang wrist ng anak na may hospital name tag nito.

Hindi pa alam kung ano ang sakit ni Julia but since first time na ma-hospitalize ang young teener, hinala namin ay baka napagod lang lately sa sunud-sunod na ta­ping sa Mirabella. Hopefully, ganu’n nga lang at sana’y wala namang iba pang kumplikadong sakit ang bagets.

Ang good news naman, consis­tent ang kanyang seryeng Mirabella sa mataas na ratings nito gabi-gabi at usap-usapan sa ABS-CBN kung gaano na kasikat ang young star ngayon.

Ang sabi nga nila, mukhang nauulit daw sa katauhan ni Julia ang tinamong kasikatan ni Claudine Barretto noong time na nagsisimula pa lang ito.

Good job, Julia and get well soon!

Coco hindi makatulog sa kinita nang pelikula nila ni Sarah

Umabot na sa 100 million ang gross ng Maybe This Time nina Sarah Geronimo and Coco Martin sa 7 days pa lang na ipinalalabas ito kaya naman sobrang saya ng dalawa pati na ang mga producers na Star Cinema and Viva Films.

More than Sarah, mas masayang-masaya si Coco dahil hindi raw niya akalaing maghi-hit ng ganito ang movie nila.

“Kumbaga, hindi ako makapaniwala. Hanggang sa bahay, pagdating ko, halos ‘di ako makatulog, eh. Kaya nga sabi ko, hindi nila alam kung gaano ako kaligaya. Hindi ko inakala na makakagawa ng ganito kagandang pelikula,” say ni Coco.

 

vuukle comment

BEA

BEA ALONZO

CALL CENTER GIRL

CLAUDINE BARRETTO

INSTAGRAM

JULIA

JULIA BARRETTO

MY ILLEGAL WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with