^

Pang Movies

Aktres walang kamalay-malay, Pauleen ginamit na paninira sa kampanya sa Malaysia

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Tiyak na nagulat si Pauleen Luna nang maibalita na ginamit ang litrato niyang naka-pink bikini para masiraan ang isang political aspirant sa Malaysia.

 Kumalat sa social media ang isang photo ni Pauleen na naka-bikini at sinabing ito raw ay si Dyana Sofya Mohd Daud, isang 27-year old political secretary ng Gelang Patah Member of Parliament, Lim Kit Siang.

Mabilis ngang itinanggi ni Dyana na siya ang babaeng naka-pink bikini na kumalat sa social media.

Ipinagtanggol si Dyana ng kanyang mga supporters at sinabing ang babaeng naka-bikini sa photo ay ang Pinay actress na si Pauleen Luna.

Ginamit ang larawan bilang panira sa image ni Dyana ng kanyang mga kalaban.

Nagsalita na si Dyana sa isang interview na inilabas ng The Star Online: “I am disappointed that people will act so low to tarnish my image for political reasons after rumors of me contesting spread. But I accept that good people will always be victimized. I am in politics to serve the people.”

Posible nga raw kasing patakbuhin si Dyana bilang kandidato sa darating na Teluk Intan by-election on May 19.

Pero ayon kay Dyana, mukhang wala naman daw itong balak na kumandidato.

Tiyak na matatawa lang si Pauleen dahil ginamit nga ang photo niya para sa isang balak na paninira sa isang babae sa Malaysia.

Anyway, malapit na ngang matapos ang teleserye na kinabibilangan ni Pauleen na The Borrowed Wife sa GMA Afternoon Prime. Mami-miss raw ni Pauleen ang female cast ng show dahil naging very close silang lahat.

Miguel at Bianca parating magkabuntot

Ang dalawa sa mga young stars ng GMA na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali ay madalas nakikitang magkasama sa mga showbiz events.

Kamakailan lang ay umattend ang dalawa sa event ng isang magazine for teens at mababakas talaga ang kanilang magandang chemistry. Kaya hindi na kami magtataka kung dumami ang mga projects na ipagkatiwala sa dalawang bagets dahil pareho silang may magandang mukha at talaga namang marunong umarte.

Samantala, ayon sa aming source ay nakatakdang mag-taping ang dalawa ngayong Biyernes ng kanilang upcoming primetime series na Niño na simulang mapapanood sa May 26 sa GMA Telebabad.

Beteranang talk show host na si Barbara Walter, nag-retiro na

Pagkatapos ng limang dekada ay nagpaalam na nga sa kanyang trabaho ang 84-year old journalist na si Barbara Walters.

 Naganap ang kanyang final appearance sa show na The View kung saan siya ang producer at isa sa mga host kasama sina Jenny Mc­Carthy, Whoopi Goldberg at Sherri Shepherd.

Marami ang nalungkot sa pamamaalam na ito ni Walters na naging inspirasyon ng bawat female news journalist and talk show host na nasa telebisyon ngayon, including Oprah Winfrey, Juju Chang, Julie ChenKatie Couric, Kathie Lee Gifford, Savannah Guthrie, Tamron Hall, Gayle King, Hoda Kotb, Joan Lunden, Natalie Morales, Amy Robach, Robin Roberts, Diane Sawyer, Maria Shri­ver, Elizabeth Vargas and Meredith Vieira.

“This is the biggest day in the history of The View because making her final walk out as co-host of The View, please welcome the amazing, the fabulous, the woman who hired everyone at this table, the amazing Barbara Walters!” sey pa ni Goldberg kasama ang former co-hosts ng The View na sina Rosie O’Donnell, Elisabeth Hasslebeck, and Debbie Matenopoulos.

Noong pagsalitain na nga si Walters para sa kanyang farewell, heto ang sinabi niya:

 â€œThe good news is that I will have time now to get Botox! But now that I’m not going to be off the air, I don’t need to get Botox.

“But starting soon I will be available for supermarket openings and charity auctions. For a $10 bid, you can have lunch with me. For a $20 bid, you don’t have to.

“How do you say goodbye to something like 50 years in television? If I did anything to help that happen, that’s my legacy. So now, having had this amazing career, how can I just walk away and say goodbye?

“This way, from the bottom of my heart to all of you whom I have worked and to all you who have watched: I can say thank you.

“When all of that is done I can take a deep breath and enjoy my view. Thank you,” pamamaalam pa ni Barbara.

 

vuukle comment

AFTERNOON PRIME

AMY ROBACH

BARBARA WALTER

BARBARA WALTERS

BIANCA UMALI

DYANA

PAULEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with