^

Pang Movies

Willie dinadaan sa biro ang ipinatalong P600M sa Casino

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nagbibiro lang si Willie Revillame nang sabihin nito na P595 million at hindi P600 million ang kadatungan na ipinatalo niya sa casino.

Idinaan na lang ni Willie sa biro ang kanyang sagot sa isyu na hindi matapus-tapos.

Kunsabagay, ano naman ang pakialam natin kung nagpatalo siya sa casino ng daang milyong piso, eh pera naman niya ‘yon? Nanghihinayang lang ako dahil naharbatan ko sana si Willie ng datung bilang bukas ang 67th birthday ko.

Si Willie ang surprise sa akin ng Startalk staff sa birthday celebration ko kahapon. Sayang at wala si Papa Joey de Leon dahil pagkakataon na sana para mag-bonding sila ni Willie.

Absent kahapon si Papa Joey sa Startalk dahil nanood siya ng concert ni Paul McCart­ney. Ganyang kasosyal si  Papa Joey na fan na fan ni Paul.

Raymart minamadaling makuha ang mga anak kay Claudine

Sa tono ng pananalita ni Raymart Santiago, malabo na silang magkabalikan ni Claudine Barretto. Ang sabi ni Raymart, masyado siyang na-hurt sa mga paninira ni Claudine sa kanya.

Panahon lamang ang makapagsasabi kung magiging magkaibigan ang estranged couple. Mas ma­halaga ngayon kay Raymart na makuha ang mga custody ng dalawang anak nila ni Claudine.

PEP list awards, star studded

Umapir kahapon sa Startalk ang PEP Editor-In-Chief na si Jo-ann Maglipon at ang kanyang assistant na si Erwin Santiago.

Ni-remind ng dalawa sa laha ang The 1st PEP List Awards na gaganapin bukas sa Solaire Resort and Casino.

Star-studded ang event dahil invited ang mga sikat at maraming artista. Sina AiAi Delas Alas at Lucy Torres ang mga host ng 1st PEP List Awards.

Kabilang sa mga awardee sina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, Nora Aunor,  Anne Curtis, etc. Magkakaroon ng after party pagkatapos ng pamamahagi ng PEP List trophies.

Hiwalayan nina Anne at Erwan imbento lang

Kuryente ang balita na hiwalay na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff. Ang presence ni Erwan sa Annekapal, The Forbidden Concert ni Anne ang ebidensya na going strong ang kanilang relasyon at imbento lamang ng mga tsismosa ang balita na hiwalay na sila.

Tinawanan lang ni Anne ang tsismis. Tinapos muna niya ang kanyang concert bago nagsalita dahil naging busy siya sa rehearsals ng Annekapal.

Vhong naubos ang lakas nang makaharap sina Deniece at Cedric

Nag-sorry si Vhong Navarro kay Anne dahil hindi siya nakarating sa Annekapal. Guest sana si Vhong sa concert ni Anne pero hindi na siya u­mabot dahil 10:30 p.m. na nang matapos ang ma­rathon hearing ng kaso na isinampa niya laban kina Cedric Lee, Zimmer Raz, at Deniece Cornejo.

Hindi na carry ng powers ni Vhong na sumayaw at kumanta dahil naubos ang kanyang lakas sa pagbibigay niya ng testimonya. Nag-apo­logize na lamang si Vhong kay Anne sa It’s Showtime noong Sabado.

I’m sure, naunawaan ni Anne ang sitwasyon ni Vhong na kasama sana sa production number nina Billy Crawford at Luis Manzano. Ang dance at song number ng dalawa ang isa sa mga highlight ng Annekapal dahil lumigaya nang todo ang Araneta Coliseum audience.

 

 

vuukle comment

ANNE

ANNE CURTIS

ANNEKAPAL

CLAUDINE

DAHIL

LIST AWARDS

PAPA JOEY

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with