^

Pang Movies

Ibinuko ni Kris, GF ni James nag-effort amuin si Bimby

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa episode ng Kris TV last Thursday ay naging very vocal si Kris Aquino sa pagpuri sa Italian girlfriend ng ex-husband niyang si James Yap.

Naikwento niya kasi na nagkaroon ng bonding si Bimby at ang papa nito kasama ang Italian GF.

“In fairness to her, naghanda siya. Cute ng mga hinanda niyang gifts for Bimb. I like her na. You’re good to my son, I like it talaga, ang cute,” say ni Kris.

Dagdag pa niya, “at least, she cares about my son.”

Kinumusta rin daw niya kay Bimb ang naging conversation nito with James’ GF at sagot daw ng anak, “she’s trying, mama” at nagustuhan din ito ni Kris.

 â€œAt least, sumusubok,” she said.

 â€œAnd may cake raw na dala for his birthday, kahit late na. ‘Yon, and then nag-Japanese (restaurant) sila,” dagdag pa ni Kris.

A for effort daw sa kanya ang girlfriend ni James at nakakatuwa rin daw na alam nito ang gusto ni Bimby. Pati ang favorite color ng anak ay alam daw nito – blue.

Pero na-touch daw siya kay Bimby dahil parang na­hihiya raw magkwento ang anak na nag-enjoy ito sa bonding with Papa and GF, kasi iniisip nitong baka raw masaktan siya.

Tinanong pa raw siya ni Bimby ng “are you mad?” and say naman niya, “no, of course not”.

In-assure daw niya si Bimby na okay lang at gusto nga niyang maging close ito sa Papa nito.

Say naman daw ni Bimby, “I’m not yet close to him, mama. Later on. It will take time.”

Pantay-pantay ang turingan, Batchmates ayaw magpatalbugan

Balik-showbiz ang manager na si Lito de Guzman dahil may bago na naman siyang pinasisikat na all-female group, ang Batchmates.

Matatandaang si Lito rin ang nagpasikat ng da­ting grupong Baywalk Bodies pero nang mawala ang grupo ay pansamantalang namahinga rin ang talent manager sa showbiz.

‘Yun naman pala ay bumubuo siya ng bagong grupo at bongga, dahil may album na agad ang mga ito under Polyeast Records.

In fairness, magaganda ang mga miyembro ng Batchmates na sina Aura, Cath, Jonah, Sophia, Marie, Maye at Vassy. Wala kang itulak-kabigin sa kanila at lahat sila ay well-endowed, sa true lang.

Ilan sa mga miyembro ng bagong grupo ay nanggaling na rin sa ibang grupo tulad ni Aura from Mocha Girls, si Vassy na dating Baywalk Bodies, si Cath sa dating grupong Playgirls, at sina Marie and Sophie from Chikabebs. Si Jonah naman ay galing sa isang banda.

Nang matanong si Aura kung bakit siya umalis sa Mocha Girls, pabirong sabi niya, “babae kasi ako”, sabay-tawa.

Pero ang mas malaman niyang statement, dito raw kasi sa Batchmates ay walang leader-leader at lahat sila ay pantay-pantay unlike sa pinanggalingan niyang grupo na may leader na as we all know ay si Mocha.

Pero maging ang Sex Bomb naman ay may leader din – si Rochelle Pangilinan. At say nila, ‘yun nga raw ang ayaw nilang mang­yari sa Batchmates at mas okay na lahat sila ay equal footing lang.

Released na ang self-titled debut album ng Batchmates na naglalaman ng mga kantang Feel Like Dance, Boom Boom Para Boom, Di Na Mahal, Giling at Hora.

 

vuukle comment

BATCHMATES

BAYWALK BODIES

BIMB

BIMBY

BOOM BOOM PARA BOOM

DAW

DI NA MAHAL

MOCHA GIRLS

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with