^

Pang Movies

Audition ni Gab sa America’s Got Talent inaabangan kung papasa

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Natuloy ang audition ni Gabriel Valenciano sa bagong season ng America’s Got Talent. Kumakalat na sa social media ang clips ng video ni Gab kung saan ‘yung sinayaw niya sa selfie video niyang ginawa ang audition piece niya.

Pero bitin pa kung pumasa sa judges ang performance ni Gabriel. Sa May 27 pa kasi eere ang pilot episode ng AGT na napapanood din sa ating cable channels. American citizen din ang anak nina Gary at Angeli Valenciano kaya walang kuwestyon sa citizenship niya.

Bumalik ng bansa si Gab para sa 30th anniversary concert ng ama last April 12 and 13. Nakagawa rin siya ng bagong selfie video kasama si Sam Concepcion at ibang dancers kung saan binigyan nila ng kakaibang interpretasyon ang kantang Footloose.

Let’s see kung magbibigay ng pride si Gab kapag lumabas na ang audition niya sa AGT.

Kapamilya actress pasok sa PBB

Inihiyag kahapon sa ASAP 19 ang celebrity na papasok sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother All In Edition ay Star Magic artist na si Jane Oneiza. Bago ‘yon ay may isa nang housemate na ipinakilala na pumasa sa audition.

Pero sa totoo lang ilang kumanta si Daniel Padilla sa Sunday show ng ABS-CBN para i-promote ang kanyang birthday concert sa Araneta pati na ang gimik sa ABS shows sa simcard ng network.

Kahit aminadong hindi naman siya singer, todo pa rin ang promotions ng network para sa concert niya, huh! Tutal, napuno niya ang Araneta Coliseum sa una niyang concert kaya bilib pa rin ang network sa young actor na mapupuno muli niya ang Big Dome, huh!

Tom mas aninag ang bukol sa SIY!

Nagkulong lang sa kanyang kuwarto nu’ng Holy Week si Tom Rodriguez. Ang hilig niyang mag-drawing/sketching ang tangi niyang ginawa.

Biro nga namin kay Tom sa presscon ng movie nila ni Carla Abellana na So It’s You, baka may pinagdaraanan sila ng girlfriend niyang si K-La Rivera, huh! Hindi man tuwirang sinabi na hiwalay na sila ng singer, friends pa rin daw sila.

 â€œMagaganda ang blessings na dumarating sa akin kaya naman ito muna ang unahin ko,” rason ni Tom.

Sa SIY, nagpakitang muli ng bukol si Tom sa eksena sa swimming pool kung saan naka-trunks siya. Although ginawa na rin niya ito sa Temptation Island, mas aninag ang bukol niya this time, huh!

Pero sabi ni Carla sa eksenang ‘yon, kay Paolo Ballesteros siya nakatingin at hindi sa katawan ni Tom, huh!

 

vuukle comment

ANGELI VALENCIANO

ARANETA COLISEUM

BIG DOME

CARLA ABELLANA

DANIEL PADILLA

GABRIEL VALENCIANO

GOT TALENT

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with