^

Pang Movies

TV host at macho actor naghabulan sa beachnoong semana santa

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Matagal nang pinaghihinalaan na may berdeng dugo ang male TV host na ito.

Wala kasing nababalitaan na girlfriend ito o nali-link man lang sa kung sinong babae. Parati na lang niyang kasama sa mga lakaran niya ay ang macho na male celebrity.

Tapos ay makikita rin sa kanyang Instagram account na puro mga lalaki ang kasama niya. Nito lang nakaraang Holy Week ay kasama niya sa isang sosyal na beach resort ang mga lalaki na naggagandahan ang mga katawan.

At kasama nga sa photos na iyon ay ang machong male celebrity at lagi silang magkaakbay.

Pusong babae raw talaga ang male TV host at ang sarap na sarap daw nitong tumawa kapag kasama niya ang machong male celebrity na kalambingan niya parati sa kung saan-saan.

Ayon sa mga source namin na nakaobserba sa mga ikinikilos ng dalawa, nagpupustahan sila kung sino ang “girl” sa “couple” at ang machong male celebrity ang may mas maraming pumusta na siyang babae sa relasyon nila.

Very obvious na si male celebrity ang may pinakamakulay na berdeng dugo.

Pero kung mapapanood mo sa TV ang male celebrity, wala kang mararamdaman na may bahid ito ng pagkabading. Malalim ang boses at mukhang habulin ng babae.

‘Yun pala, siya ang nagpapahabol sa beach kapag kasama niya ang male TV host.

Kristoffer Martin hindi ‘makahinga’ sa pekpek shorts

Natutuwa si Kristoffer Martin na tumutulong si Mark Herras sa pag-promote ng episode niya sa Magpakailanman this Saturday, titled Siga Noon, Beki Na Ngayon.

Gaganap na isang dating siga na naging bading si Kristoffer at si Mark ang gaganap na lover niya.

Inamin ni Kristoffer na nagdalawang-isip siya bago niya tanggapin ang life story ni Christopher Aguinaldo. Never pa raw kasi siyang gumanap na bading at baka hindi raw niya magampanan ng tama.

Pero malaki ang pasasalamat niya sa kanilang director na si Neal del Rosario dahil na-guide raw siya nang tamang performance na kailangan niyang ipakita.

“Natutuwa ako kapag nababasa ko ang mga tweets ni Mark promoting Magpakailanman at pinupuri niya ang performance ko.

 â€œGusto ko lang sabihin kay Mark na kabahagi siya sa anumang maayos na pag-arte ko sa Magpakailanman,” ngiti pa ni Kristoffer.

Sa tanong kung ano ang mahirap na part sa pagganap niya bilang isang gay. Ang pagsuot daw ng maiigsing shorts.

“Kasi ang naging costume ko noong naging bading na ako ay mga pekpek shorts. Mahirap palang isuot iyon. Masikip pala siya!” sabay tawa niya.

Drew Barrymore adjusted na sa panganganak, ikalawang baby nailuwal na maginhawa

Nanganak na ang Hollywood actress na si Drew Barrymore sa ikalawa nilang anak sa mister niyang si Will Kopelman.

Girl ulit ang second baby ni Drew at binigyan nila ito ng pangalan na Frankie.

“Happy to announce that today we are the proud parents of our second daughter, Frankie Barrymore Kopelman,” pahayag pa ni Drew and Will sa kanilang interview with People magazine. “Olive has a new little sister, and everyone is healthy and happy!”

Inamin ng 39-year old actress na mas naging madali ang second pregnancy niya kumpara sa una.

 â€œIt is easier because when you’re first pregnant you’re just terrified of every single thing that’s happening, so this time you’re busy, you’re focusing on the kid, the time goes a little bit faster... not a lot faster, but it helps.”

 

vuukle comment

BEKI NA NGAYON

CHRISTOPHER AGUINALDO

DREW BARRYMORE

KRISTOFFER

KRISTOFFER MARTIN

MAGPAKAILANMAN

MALE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with