^

Pang Movies

Tinalbugan pa ni Vhong, kaso ni Napoles mabagal ang usad!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Nagsisimula nang maghulihan sa mga idinemanda ng pambubugbog sa komedyanteng si Vhong Navarro. Ang unang nahuli ay si Bernice Lee, na nadampot sa bahay nila sa San Juan. Ang talaga raw hinahanap ng NBI sa bahay na iyon ay si Cedric Lee, na nalaman nilang matagal na palang hindi umuuwi sa nasabing bahay. Naghalughog sila at ang natiyempuhan nga ay si Bernice.

Pero si Bernice ay hindi kasama sa non-bailable warrant na ipinalabas ng korte. Ang pagkaka-imbita sa kanya ay dahil sa naunang warrant para sa grave coercion kung saan hindi naman siya naglagak ng piyansa. Sina Deniece Cornejo at isa pang suspect ay nagpiyansa sa nasabing warrant. Pero ngayon ay may pangalawang warrant na, kung saan walang itinakdang piyansa ang korte. Kung mahuhuli, tiyak na makukulong sila maliban na lang kung makakapagharap sila ng motion for reconsideration at pagbigyan naman sila ng korte.

Sa ngayon hindi pa naman daw alam kung nasaan sina Deniece Cornejo at Cedric Lee na siyang mga primary suspect sa kaso. Siguro nga ay naghihintay pa sila sa desisyon sa motion, para makapagpiyansa sila bago lumitaw. Pero sa ngayon, maaari silang hulihin saan man sila makita ng mga alagad ng batas. Bukod pa roon, may isa pang kaso si Cedric na may kinalaman naman sa kanyang taxes. Talagang nagkasabay-sabay ang mga warrant na dapat ipatupad. Kung talagang hahanapin siya, tiyak na hindi magtatagal ay mahuhuli rin sila. Iyon ay kung talagang hahanapin.

Mukhang mabilis ang DOJ at ang mga korte sa kaso ni Vhong. At least may aksyon na agad at medyo naililihis nang kaunti ang atensiyon ng mga tao sa mas matitinding problema kagaya ng pork barrel scam. Isipin ninyo, ang latest doon, si Napoles ang sinasabing mastermind. Ibig sabihin ay principal suspect, pero gusto na raw maging state witness. Ano ba naman iyan?

Kaya nga mas mabuting pag-usapan ang kaso ni Vhong, at least kaunti lang ang kunsomisyon, pero maliit na issue kung ikukumpara kay Napoles.

KC at Paulo hindi na rin magkaibigan

Ano nga ba ang totoo tungkol kina KC Concepcion at Paulo Avelino?

Ilang araw lang ang nakararaan, usapan sila dahil pinuntahan pa raw ni Paulo si KC sa New York kung saan ito kumukuha ng short course at binati pa ang aktres sa kanyang birthday. May mga post pa iyan with pictures sa kanilang mga social networking accounts. Pero makalipas lang ang dalawang araw, lumabas namang parang malabo na sila at sinabi pa ngang pereho nilang inalis ang pangalan ng isa’t isa sa kanilang “friends’ list”.

Nagtataka ngayon ang ilang sumusubaybay sa kanila, ano nga ba ang nangyari?

Kung kami ang tatanungin, hindi naman kami naniniwala na may relasyon nga ang dalawang iyan. Siguro ay magkaibigan, pero kung sasabihin mong seryosong relasyon, parang hindi totoo. Isa pa, pangit na i-romanticize ang kanilang ligawan. May anak na kasi si Paulo kay LJ Reyes na mukhang napababayaan na niya. 

Naghihirap na, dating sexy star kapit ngayon sa patalim

Mukha nga raw umabot na sa panahong gipit na gipit na ang isang dating sexy female star. Nga­yon daw ay panay ang tawag niya sa mga DOM at nag-aalok ng real estate o mga appliances. Natural kung mag-uusap sila, tuloy date na rin nila iyon. Parang lumalabas na masyado na siyang cheap ngayon. Pero siguro nga gipit eh, kaya kahit sa patalim kumakapit.

vuukle comment

ANO

BERNICE

CEDRIC LEE

KUNG

PAULO

PERO

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with