^

Pang Movies

Kaya iwas na iwas pag-usapan anak ng aktres may problema sa pananalita

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sensitibong topic pala ang tungkol sa anak ng isang aktres. May problema raw sa pananalita ang bata na ngayon lang nalaman habang lumalaki siya.

Kaya naman pala sa interviews sa aktres, iwas siyang pag-usapan ang tungkol sa anak. Tipid na tipid siya kung magpahayag ng nangyayari sa anak. Kapag napapahaba ang tanong tungkol sa bata, ang aktres na rin ang nakikiusap na huwag nang pag-usapan pa.

No wonder, mas tutok ang aktres sa anak ngayon kaysa pag-ukulan ng oras ang pansariling kaligayahan.

 

Mark Herras suportado ang Internet love team na JaMich

Suportado ni Mark Herras ang dancer na naging sensation sa YouTube na si Jam Sebastian lalo na ’pag kasama niya ang girlfriend na si Mich. Sumikat sa social media ang love team nilang JaMich dahil sa ilang video na ipinoste nila.

Pero kung hindi pa ninyo alam, younger brother ni Yexel Sebastian si Jam. Si Yexel ang long-time boyfriend ni Rochelle Pangilinan nung lead dancer pa siya ng Sexbomb Dancers. Sa napanood namin sa TV, todo ang alaga ni Yexel sa bunsong kapatid.

Palibhasa’y dancer dati sa GMA si Jam, tutulong si Mark sa gagawing fund-raising ng binatang may sakit mamayang gabi sa Zirkoh-Tomas Morato sa Quezon City. Pero sa poster na naka-display sa comedy bar, wala roon ang name ni Rochelle.

 â€œHindi kasi ako ang nag-ayos ng guests. Marami pa ngang gustong ma-guest sa show,” sabi sa amin ni Lito Alejandria nang pumasyal kami sa bar.

Eh ang dinig namin, hindi naging maganda ang hiwalayan nina Rochelle at Yexel kaya hindi na inimbitahan ng huli ang dating girlfriend.

 

Ryzza Mae naka-isang taon na sa sariling show

Malaking factor ang presence ni Ryzza Mae Dizon sa magaganap na show ng Eat Bulaga sa Toronto, Canada sa April 12. Isa kasi siya sa EB Dabarkads na kinasasabikan ng mga Pinoy doon na makita at mapanood mag-perform.

Ang balita nga namin, sold out na ang tickets sa show ng Bulaga. Aalis ang grupo sa April 9 at, siyempre pa, ang famous na Niagara Falls ang isa sa mga dadayuhin ng hosts and staff.

Bago umalis, may celebration muna si Ryzza Mae para sa unang taon ng kanyang The Ryzza Mae Show. Umabot talaga ng isang taon ang programa ng youngest host on TV, huh!

Ilan nga sa celebrities na naka-line up sa week-long celebration ni Ryzza ay sina Mel Tiangco at James Yap.

vuukle comment

EAT BULAGA

JAM SEBASTIAN

JAMES YAP

LITO ALEJANDRIA

MARK HERRAS

MEL TIANGCO

MICH

NIAGARA FALLS

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with