^

Pang Movies

Gamit lang ang pantalon, Atom isasalba ang sarili sa dagat

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa Palawan, Boracay, o Puerto Galera ba ang punta mo ngayong summer? Anumang isla ang iyong destinasyon, masisigurado mo ba ang kaligtasan ngayong bakasyon?

Samahan muli si Atom Araullo ngayong B­iyernes, April 4, at alamin ang mga dapat tandaan at gawin sa oras ng peligro tulad lang ng pagtaob ng bangka sa gitna ng dagat sa Red Alert.

Maraming pasyalan sa Pilipinas ang napapaligiran o napupuntahan lang sa pagtawid ng tubig. Kaya ngayong summer, hindi maipagkakaila na dadami rin ang mga pagkakataon na madisgrasya rito.

Sa unang bahagi pa lang ng 2014 kung kailan hindi pa kasagsagan ng pagbabakasyon, 24 na ang bilang ng aksidente sa tubig. Kung babalikan ang nakaraang taon, ang bilang na ito ay umabot sa halos 435 at karamihan dito ang ay nauwi sa kamatayan. 

Kaya bukod sa paghahanda ng life vest at life ring, susubukan ni Atom ang iba’t ibang paraan upang mailigtas ang sarili sa lumulubog na bangka gamit ang mga pangkaraniwang gamit tulad ng pantalon. Bibigyan din niya ng panibagong depinisyon ang “HELP” upang maiwasan ang pagkamatay dahil sa sobrang lamig.

At kung ikaw ay may Kapamilya na naiwan, ano ang gagawin na mas mainam?

Dahil walang pinipiling tao, oras o lugar ang pe­ligro, aksidente, at trahedya, kailangan may tamang kaalaman kung paano mailigtas ang sarili at ang mga mahal sa buhay. Tumutok sa Red Alert tuwing Biyernes, 4:45 p.m., pagkatapos ng Meteor Garden sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

vuukle comment

ANUMANG

ATOM ARAULLO

BIBIGYAN

KAPAMILYA GOLD

KAYA

METEOR GARDEN

PUERTO GALERA

RED ALERT

SA PALAWAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with