^

Pang Movies

Dennis aminadong nawawala sa sarili ’pag nagkakababae

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sobrang ini-enjoy ng Kapuso actor na si Dennis Trillo ang pagiging single and available ngayon. Dedma na muna siya sa love life raw kaya nang tuksuhin siya sa mga ex-girlfriend niyang sina Jennylyn Mercado at Cristine Reyes ay walang reaksiyon ang aktor at tanging ang kanyang pamilya raw ang inspirasyon niya ngayon.

“Wala munang love life kasi effective sa akin ’yung pagiging single ko ngayon.

“Nase-set ko nang maayos ’yung priorities ko. Nama-manage ko nang maayos ’yung oras ko. Walang nakikiagaw sa ‘me time,’ sa alone time ko,” pahayag ni Dennis sa interview sa kanya ng PEP.

Kapag may girlfriend kasi raw siya minsan ay nawawala siya sa focus eh kaya ang tanong sa kanya, sa tingin ba niya ay panggulo sa kanya ang mga babae?

 â€œHindi naman panggulo. May problema kasi ako sa time management.

“Minsan kapag may girlfriend ako, may tendency ako na ibinibigay ko lahat ng oras ko dun, na nakakalimutan kong pagtuunan ng pansin ’yung mga mas mahahalagang bagay,” pahayag pa ni Dennis.

Tanong tuloy sa kanya kung hindi ba siya nagwo-worry dahil puro failed relationships ang naging kapalaran niya sa piling ng mga dating girlfriend na sina Jennylyn, Cristine, Carlene Aguilar, at Bianca King. Hindi ba siya nagkakaroon ng trauma na muling makipagrelasyon?

 â€œWell, siguro hindi lang talaga laan. At siguro nangyari ’yun dahil may mga kailangan pa akong matutunan.

“Siguro blessing in disguise ’yung mga ’yun na matutunan ko ’yung lessons na dapat kong matutunan. At the same time, nagamit ko ’yun kaya mas okay ako ngayon,” paliwanag pa ng heartthrob.

Samantala, tungkol naman sa mga project ni Dennis, nakatakda niyang simulan ang isang indie film na ididirehe ni Mike Tuviera para sa Cinemalaya 2014.

Excited ang 32-year-old actor na pagbidahan ang isang action-drama film pagkatapos niyang gampanan ang isang gay role sa teleseryeng My Husband’s Lover noong nakaraang taon.              

vuukle comment

BIANCA KING

CARLENE AGUILAR

CRISTINE REYES

DENNIS TRILLO

JENNYLYN MERCADO

MIKE TUVIERA

MY HUSBAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with