^

Pang Movies

Actor-model nagpapasasa sa datung ng matronang karelasyon

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Boy toy ngayon ng isang mayamang matrona ang isang part-time model at aktor. Pero bago pala ito naging alaga ni matrona ay dati palang alaga ng isang bading pero mayamang doktor.

Kuwento ng isang taong close sa naturang bading na doc, noon pa raw niya nakikita sa clinic ang boy toy ng matrona. Nagulat na lang daw ito na biglang napunta na si boy toy sa matandang babae.

“Kay doc pa siya parati humihingi ng allowance niya noon. Darating ’yan sa clinic na naka-uniform pa at papasok sa school.

 â€œMinsan hihiramin niya ang sasakyan ni doc. Pero ipagpapamaneho lang siya ng driver ni doc. Hindi niya pinapahawak ng kotse niya kahit anong lambing nito sa kanya,” imporma pa sa amin.
Hindi raw tanga ang mayamang doktor. Alam niyang hustler si boy toy pero ini-enjoy lang niya ang aten­siyon na bigay sa kanya ng lalaki dahil nga alam na mapera siya.
“Hindi lang naman si boy toy ang naging alaga ni doc. May mga young actor din na namamayagpag noon. Okay lang kung iwan siya dahil alam niyang darating sa gano’ng sitwasyon.

“Ang mahalaga ay naging bahagi sila ng buhay ni doc at lahat sila ay may pruwebang nai­wan kay doc,” ngiti pa ng aming source. Itong si boy toy ay bigla na lang daw nawala ng matagal. Nagkataon na paalis ng bansa ang mayamang doc kaya hindi na niya ito pinahanap pa. Pagbalik ni doc, nasa kandungan na ito ng isang matrona.

 â€œâ€™Yung matrona, isa sa mga patient ni doc. Nakilala ni matrona si boy toy nang minsang maabutan niya ito sa clinic. Hindi alam ni doc na behind his back ay nakipag-negotiate na ang bagets. Hayun, may reserba siya in case pagsawaan na siya ni doc.
“Iba naman kasi ang drama ng mga babaeng bakla, ’di ba? Sila may-I-give sila ng kung anu-ano. Huli naming balita, naka-townhouse na si boy toy kasama ang ilang kaibigan niya at si matrona ang nagbabayad ng upa. May dina-drive rin na second hand car si boy toy. For sure, courtesy ni matrona iyon.

“At super shopping sila ng pamilya ni boy toy kasama ang matrona. Halos lahat ng bitbit nila ay para sa pamilya ni boy toy,” sabi pa ng source.
Natuwa naman ang bading na doctor sa nangyayari sa dati niyang boy toy. At least daw hindi na siya ang kinukulit kapag nangangailangan ng datung ang isa sa family members ni boy toy.

“Sa rami ng pera ni matrona, natural lang na sagarin siya ni boy toy. Darating din ang araw na bigla na lang sila magkakasawaan. It’s either magsawa na si boy toy sa tuyot na beauty ni matrona o makahanap ng fresh na lalaki si matrona,” konklusyon pa ng aming source.

Marvin nagpapagod sa pagnenegosyo

Masuwerte si Marvin Agustin sa kanyang pinasok na restaurant business. Sa ngayon ay meron na siyang higit sa 48 res­taurants nationwide at may bubuksan pa siyang bago sa Tagaytay at may tinitingnan din siyang lugar sa Boracay.

Ang bagong bukas na restaurant ni Marvin ay ang Boqueria, isang Spanish-themed resto na matatagpuan sa SM Megamall, Mandaluyong City.

Hindi nagsasawa si Marvin sa kanyang business kaya naman malaking parte ng panahon niya ay ibinuhos na niya rito.     

“Maraming mga negosyo ang nalulugi dahil ’yung iba sa umpisa lang tumututok at nai-involve. Kapag okay na ipinagkakatiwala na nila sa iba. Ang nangyayari, hindi na nila alam ang mga nangyayari sa negosyo.

“Kaya ako, lahat ng inventory, paper works, operation, at pakikipag-usap sa employees at customers ay ginagawa ko.

“Nakakapagod pero part ng magkaroon ng negosyo ay ang mapagod ka. Pero it’s all worth it dahil nakikita mong okay lahat ng mga pinagpuhunanan mo ng pagod,” sabi ng actor-restaurant.

Pero nagtitira pa rin si Marvin ng malaking oras para sa kanyang mga anak at sa kanyang career bilang aktor.

Kahit na successful entrepreneur na siya, hindi pa rin niya kinakalimutan ang pag-arte. Enjoy siya sa pagganap niya bilang si Dr. Ramon Mendoza sa teleserye ng TV5 na Obsession.

vuukle comment

BOY

DOC

LANG

MARVIN

MATRONA

NIYA

SIYA

TOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with