^

Pang Movies

Sen. Bong hindi takot paaresto, kapalaran iniaasa na sa Diyos

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Maraming kuwento kahapon si Sen. Bong Revilla, Jr. tungkol sa mga bagong pangyayari sa kanyang buhay pero hindi nakuntento ang mga entertainment press.

Paulit-ulit ang kanilang tanong tungkol sa political plans ni Bong sa 2016. Kakandidato ba siya na presidente ng Pilipinas, etc., etc.?

Walang confirmation o denial si Bong dahil too early pa para pag-usapan ang mga balak niya sa 2016.

Isang bagay ang sure na sure si Bong, may kinalaman ang 2016 sa mga panggigipit na nararanasan niya ngayon.

Palaban na si Bong dahil hindi na siya affected ng mga paninira sa kanya. Ipinauubaya niya sa Diyos ang lahat, pati na ang mga magaganap, two years from now.

May nagtanong kay Bong sa gagawin niya kung sakaling magkatotoo ang mga tsismis na dadakpin siya.

Malinaw at diretso ang sagot ni Bong, sasama siya sa mga huhuli sa kanya para maiwasan ang kaguluhan. Ayaw niya na may masaktan o totohanin ng kanyang supporters ang banta na hindi sila papayag na dakpin at ikulong siya.

Malaki talaga ang naitulong kay Bong ng pagdarasal at pag-aaral niya sa mga salita ni God. Nawala ang kanyang mga agam-agam dahil ipinauubaya na niya sa Diyos ang lahat. Ang sabi nga sa The Lord’s Prayer, Thy will be done.

Mulat ang mga mata ng senador-aktor sa katotohanan at reyalidad ng buhay.

Sinabi ni Bong na kung ano ang naramdaman noon ni Hayden Kho, Jr., naramdaman niya nang isangkot siya sa pork barrel scam.

Hindi problema kapag nagkita sila nina Hayden at Dr. Vicki Belo sa Holy Land. Para sa kanya, past is past.

Napangiti si Bong nang sabihin sa kanya na hindi raw komportable si Mama Vicki na magkasama sila sa Holy Land. Si Hayden ang binawian ng medical license ng PRC (Professional Regulation Commission) dahil sa naging imbestigasyon ng Senado nang ma-involve siya sa malaking eskandalo noong 2009 pero si Mama Vicki ang deeply affected.

Louise pinag-aaksayahan ng panahon ng fans ni Anne

Naawa ako kay Louise delos Reyes na biktima ng social media bashing dahil rival show ng Dyesebel ang kanyang primetime show sa GMA 7, ang Kambal Sirena.

Hindi pinatulan ni Louise ang mga basher na pinili na pairalin ang kakitiran ng utak. Imbes na magtaray, ipinaliwanag ni Louise na nagtatrabaho lamang siya.

Walang ilusyon si Louise na makipag-compete kay Anne Curtis. Nagkataon lang na magkatapat ang kanilang mga show at hindi siya ang may kagustuhan. Management’s decision ang nangyari at bilang network contract star, sumusunod lamang si Louise.

Ewan ko nga ba kung bakit apektadung-apektado ang ibang tao sa pagganap ni Louise bilang sirena. Nagsasayang lamang sila ng emosyon at oras sa kanilang paninira. Inggit lamang ang dahilan na na­iisip ko kaya pinag-aaksayahan nila si Louise ng panahon!                 

Salamat, Papa Butch!

Maraming salamat kay Butch Raquel dahil bi­nig­yan niya ng application form ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) Deputy Card ang tatlong tao na inilapit ko sa kanya.

Natuwa ako dahil pinagbigyan ni Papa Butch ang special request ko. Because of him, nabigyan ng MTRCB Deputy Card ang mga tao na mas may karapatan at makakatulong sa pagpapatupad ng mga batas ng MTRCB. Maraming salamat Papa Butch!

vuukle comment

BONG

DEPUTY CARD

HOLY LAND

LOUISE

NIYA

PAPA BUTCH

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with