^

Pang Movies

Roxanne palaban, gustong harapin ni Vhong!

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang palaban na Roxanne Cabañero ang dumalo kahapon, March 13, sa preliminary investigation ng rape complaint na inihain niya sa Pasig City Prosecutor’s Office laban kay Vhong Navarro. Hinamon kasi ng dating beauty pageant contestant ang komedyante na harapin siya, kaugnay pa rin ng kasong panggagahasa na isinampa niya laban sa aktor.

Si Cabañero ay sinamahan ng kanyang abogadong si Atty. Virgilio Batalla sa hukuman habang si Navarro naman ay kinatawan ng kanyang legal counsel na si Atty. Alma Mallonga.
Isinumite na rin ni Mallonga ang counter-affidavit ng kanyang kliyente sa hukuman, kasama ang sinumpaang pahayag ng tatlong dancer, personal assistant, at kapatid ng aktor, gayundin ng producer ng concert, na
nagpapatunay na noong petsang Abril 24, 2010, kung kailan sinabi ni Cabañero na ginahasa siya ni Navarro, ay nasa Cavite si Navarro dahil siya ang special guest ni Vice Ganda sa concert nito.
Hindi naman naghain ng reply affidavit si Cabañero ngunit naghain ito ng manifestation na naglilinaw na wala siyang binanggit na eksaktong petsa kung kailan naganap ang panggagahasa.                                                                   

 

vuukle comment

ABRIL

ALMA MALLONGA

NAVARRO

PASIG CITY PROSECUTOR

ROXANNE CABA

SI CABA

VHONG NAVARRO

VICE GANDA

VIRGILIO BATALLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with