^

Pang Movies

AiAi walang planong patalbog sa paseksihan sa dagat

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Kung paseksihan ang laban sa ilalim ng dagat ng Dyesebel, hindi pahuhuli si AiAi delas Alas. Bukod sa kinarir niya ang pag-aaral ng swimming ay hindi nawawalan ng oras si Ms. A sa pagbisita sa badminton court para lalo siyang sumeksi.

Mas lalo pang ginaganahan si AiAi dahil puro bagets ang kanyang ka-smash sa paglalaro ng badminton.

Kamakailan ay excited na ipinoste ng komedyante ang kanyang seksing costume na may mala-gold fish na buntot at palaban nga ang kanyang kurba. Hindi rin nagpahuli sa pagbabalandra ng kanyang malulusog na dibdib.

Pati ang magandang style ng likod ng kanyang sirena costume ay ikinatuwa ni Ms. A. Comment niya, sobrang hirap ang paggawa ng Dyesebel series pero wala siyang angal dahil hindi raw niya mapapalampas ang maging sirena kaya thankful ang komedyante sa kanyang blessings at maging sa ABS-CBN na isinali siya sa project.

Jake naimpluwensiyahan ni Bea na mag-aral uli

Sino’ng may sabing bad example ang girlfriend ni Jake Vargas na si Bea Binene? Sa katunayan ay magandang impluwensiya ang kanyang nobya dahil nagbalik ang aktor sa pag-aaral.

Si Bea pa nga ang nag-encourage kay Jake na balikan ang kanyang studies dahil kung nakaya ng actress girlfriend nito na pagsabayin ang pag-aaral at showbiz career, bakit hindi si Jake na bakante ngayon sa GMA 7?

Katulad ni Bea, home schooling din ang ginagawa ni Jake kaya anytime ay puwede niyan­g bitbitin ang kanyang modules para tapusin ang kanyang school activities.

 Hindi sila same school dahil si Bea ay under pa rin ng home schooling ng School of Tomorrow samantalang si Jake ay nasa Subic. Pero at least inspirasyon ni Jake ang kanyang GF para matapos na niya ang kanyang high school at baka maunahan pa siya ng young actress na nasa 9th grade na at ang katumbas nito ay halos second year high school na ngayon.

Joey minamaldituhan ng writer ng EB?!

Kaya pala parang walang gana si Joey de Leon sa grand finals last week ng ForeigNoy na idea niya at isa rin siya sa mga hurado ay dahil hindi  sinunod ang dapat ay bibigyan nila ng tongue twister na contestant. Kulang na lang ay mag-walk out ang mahusay na TV host at komedyante na hindi itinago ang kanyang disappointment kaya nakasimangot sa harap ng camera. 

Bakit kasi hindi nakinig sa suggestion ni Joey ang production? Samantalang expert na ito at laging may brilliant idea pagdating sa mga pakulo.

Hindi pa ginagawa ng EB ang sinasabing tongue twister sa ForeigNay edition ngayon pero meron naman mahabang script na pinababasa at ipinaaarte sa mga contestant na, in fairness sa kanila, ay maraming tawa ang hatid sa viewers. Lalo na siguro sa finals kapag pinagawa nila ang idea ni Joey kasi riot sa kakatawa ang audience dahil game na game naman ang mga foreigner na contestant ng EB.

vuukle comment

BEA

BEA BINENE

DAHIL

DYESEBEL

JAKE

JAKE VARGAS

KANYANG

MS. A

SCHOOL OF TOMORROW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with