Lagot kay Matteo, Ejay gustong ituloy ang panliligaw kay Sarah

MANILA, Philippines - Naungkat muli kay Ejay Falcon ang pagkakaroon niya ng crush kay Sarah Geronimo nung paglabas niya sa Pinoy Big Brother. Nakita niya ang Pop Princess nang maging guest siya sa ASAP pero hindi na ‘yon nasundan pa.

“Hindi naman ako naghihintay na makatrabaho siya. Kung darating, darating,” say ni Ejay after ng presscon ng Regal Entertainment, Inc. movie niyang Third Eye.

Hindi pa raw kasi niya masyadong kilala si Sarah kaya naman kung sakaling magsama sila sa isang project ay itutuloy na niyang manligaw sa singer-actress.

“Kailangan kong makilala ang isang tao bago ligawan,” rason niya.

Pero may boyfriend na raw si Sarah. So, paano ’yon?

“Ay, hindi ko alam! Hindi ko alam ‘yon. Labas ako riyan. Hindi ko alam kung sila, hindi ko alam kung hindi sila! No comment ako riyan!” iwas ng young actor.

Pero kahit tigang sa girlfriend ngayon, aware si Ejay sa kumakalat sa tsismis sa kanila ni Sunshine Cruz na nanay niya sa ginawa nilang Dugong Buhay.

“Wala po. Nanay ko po ‘yon. Nahiya po ako sa kanya. Sa family niya, sa lahat, sa mga anak niya kasi ang daming… ’pag nagkuwento siya sa amin, ang dami niyang pinagdaraanan ngayon.

“Feeling ko, naiiyak na naman ‘yon, kasi ’yung mga naririnig niya ngayon. Ako pa? Kasi anak niya ako. Nagugulat ako kung saan nanggaling ang tsismis na ‘yon,” paliwanag ni Ejay.

Nanliligaw daw siya kasi kay Sunshine.

“Hindi po. Hindi talaga. Sino bang…Iharap po ninyo sa akin kung sino ang nakakita sa amin na lumabas. Wala naman eh. Lumalabas kami pero as a group. May nagsabi ba sa grupo ng Dugong Buhay na nagliligawan kami? Walang makapagsabi. Wala, wala po. Huwag na nating lagyan ng malisya dahil nakakaawa ’yung tao,” katuwiran ng young actor.

 

Aicelle nanliit sa Aegis

Nataranta ang singer na si Aicelle Santos nang mapanood ng rock band na Aegis sa musical play na Rak of Aegis na napapanood tuwing Huwebes, Biyernes, at Sabado sa PETA Theater sa Quezon City. Mga kanta kasi ng grupo ang ginamit sa play at isa sa mga bida ng play ang GMA Artist.

“Malapit sila. Sabi ko, parang nanliit yata ako dahil sa kanila. Hahaha!’” tsika ni Aicelle nang makausap namin.

May isang gabi nga na naramdaman niyang nag-crack ang kanyang boses dahil that day ay two shows ang ginawa nila.

“Kaya nga sabi ni Ate Isay (Alvarez), marami kaming shows kaya alagaan ko ang boses ko. Para pagbirit ko hindi ako maubusan,” rason niya.

Show comments