^

Pang Movies

Toni bumigay sa love scenes kay Piolo

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Wala nang hiya-hiya si Toni Gonzaga sa pelikulang Starting Over Again. Malaking factor sa kanya ang maidirek ni Olive Lamasan bukod pa sa una nilang movie nila ito together ni Piolo Pascual na nakasama niya sa isang softdrink commercial more than the years ago.

“’Pag sinabi ni Inang (tawag kay Direk Olive) na hubad, hubad talaga ako! Hahaha! Pero may mga safety naman ako,” deklara ni Toni sa presscon ng movie.

Bininyagan kasi ni Direk Olive si Toni pagdating sa pakikipaghalikan at pagkakaroon niya ng love scenes na never pa niyang ginawa sa nakaraang movies niya. Scandalous nga ang deskripsiyon ng direktora sa love scenes ng dalawa!

Ayon kay Direk Olive, ’pag alam ni Toni na kissing scene na ang gagawin niyang eksena, umiiyak na ito at natutulala nang buong araw sa set.

“Hindi kasi ako… anong klaseng halik ‘yon? Kasi hindi naman ako ‘yung… nagsimula na gumawa ng teleserye na may torrid na love scenes, kissing scenes. Hindi ako nakilala sa ganoon. Una kong pelikula, D Anothers. Binaboy ako! ’Yung pagkatao ko! Hahaha! Comedy. Sabi ko, ‘Ahhh, okay. Dito tayo tatahak sa landas na ito. Hindi natin tatahakin ang pagpapaseksi na nagpapakita ng… magpapakita lang ako ng katawan kung katawa-tawa. Pero kung love scene, parang hindi ko ma-take!’

“Parang hindi bagay. Sabi rin ni Inang, ‘Para namang hindi bagay sa mukha mo.’

“Hindi bagay sa mukha ko. Gaganun-gano’n ako, ‘Ahhhh, ooohhhh!’ Cute lang talaga ako sa gano’n. Hahaha!’ pakuwelang chika ng TV host-actress.

“Pero nakagawa siya ng scandalous love scene sa movie,” singit naman ni Direk Olive.

Paliwanag ni Toni, “Kasi hindi invited mga magulang ko sa premiere night! Banned eh. Pa-sedate ko muna sila. Hahaha!

“Marami akong ginawa na first sa pelikulang ito na kaya ko ginawa dahil kay Inang. Hindi ko alam kung kaya kong gawin dahil kay PJ. Pero nandoon si Inang na parang ’pag sinabi ni Inang, sobra, binigay ko ang lahat!

“Ito ang puso ko, trust ko, Inang, nasa sa ’yo na ang lahat. Kung ano ang sabihin mo, gagawin ko na lang!

“Kasi hindi naman gagawa si Inang na ’pag pinanood ko, ‘Ay, kahiya-hiya naman ang babaeng ito.’ Parang hindi gano’n, ’di ba? Awarded si Inang. Hindi niya gagawin ’yon. ’Pag gumawa si Inang, masterpiece! Kahit love scene, masterpiece! Gano’n si Inang,” sabi pa ng aktres.

Nag-research si Toni ng love scenes na syinut ni Direk Olive.

“Nakita ko talaga. Sabi ni Inang, ‘Hoy, papalapit na tayo sa love scene!’ Nag-YouTube ako ng Olivia Lamasan love scenes. ‘Wow, grabe, huh! May mga liyad! May mga pagano’n!’ Sabi ko, ay kinabukasan, haharapin ko talaga si Inang!

“’Inang, totoo ba itong ganitong love scenes?’” pahayag niya.

Paano niya idi-describe ang love scene niya with Piolo?

“Very naughty but very, very nice! Talaga! It’s a masterpiece. It’s a work of art, I must say. I’m proud!” showbiz na sagot ni Toni.

Aminado si Toni na si Piolo ang nakadonselya sa kanya pagdating sa pagkakaroon ng love scene sa screen.

“I must say… yes! Hahaha!” diin ni Toni.

 

vuukle comment

AKO

DIREK OLIVE

HAHAHA

INANG

LOVE

PERO

SABI

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with