^

Pang Movies

Agot kinabibiliban ng movie queens

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

“Ako ang nabilad na Marian Rivera,” sagot ni Agot Isidro kina Ms. Susan Roces at Ms. Helen Gamboa na nagsabing pinapanood nila ang Carmela at bagay daw silang mag-ina. â€œSi Marian kasi, ang puti-puti, kahit ibilad sa araw hindi umiitim. Nakakatuwa.”

“Amanda” na nga ang tawag ng dalawang movie queens kay Agot at nanonood daw sila ng primetime drama ng GMA 7. Soon ay sila namang dalawa ang mapapanood sa kani-kanilang drama series. Si Susan sa ABS-CBN with Bea Alonzo at si Helen, kung tama ang balita namin, puwede na siyang magtrabaho muli at malamang kasama sa drama series nina Maricel Soriano at Dingdong Dantes. Dapat kasi ay sa Akin Pa Rin ang Bukas ang first soap ni Helen sa GMA 7, kaya lamang nagkasakit siya at kinailangan niyang magpahinga as per her doctor’s advice. Ngayon daw ay ready na siya muling magtrabaho.

Long-distance love affair hindi nakayanan ni Luis

Medyo malungkot ang naging Christmas ni Luis Alandy dahil loveless na pala siya. Hindi na puwede sa kanya at sa dating girlfriend ang long-distance love affair. Nasa Canada ang work ng girlfriend niya at siya naman ay nandito sa Pilipinas. Pero nabawi na kahit paano ang lungkot ni Luis dahil maganda naman ang pasok ng 2014 sa kanya. 

Dream come true ang role niya sa new afternoon prime niya na Innamorata. Katatapos lamang mag-sign ng contract ni Luis sa GMA Ar­tist Center na co-managed siya ng manager niyang si Noel Ferrer. Natanong daw siya kung ano ang dream role niya at ang sagot niya, gusto niyang makaganap ng isang blind or deaf. Isang bulag ang role niya sa Innamorata at tanging sa magandang boses lamang ni Max Collins siya na-in love rito. Hindi niya alam na may sakit itong tinatawag na vampire’s disease na hindi puwedeng mabilad sa araw.

Natawa si Luis sa pagkukuwento na dalawang beses na siyang nasaktan sa taping dahil kahit naman nakikita niya, kailangang hindi niya ipahalata iyon kaya natusok siya sa isang eksena at iyong isa naman ay nadapa siya. First time lamang silang magkakasama ni Max sa isang project at nakita raw niya ang intense ng acting nito.  Napanood raw niya si Max noon sa Pahiram ng Sandali at no wonder na ang next project nito ay solo starrer na ang actress. Honored daw siya na siya ang napiling leading man ni Max.

 

 

vuukle comment

AGOT ISIDRO

AKIN PA RIN

BEA ALONZO

DINGDONG DANTES

INNAMORATA

LUIS

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with