^

Pang Movies

Ni hindi raw nalawayan ang kanyang katawan: Drama actor itinangging naging sex partner ng sexy actress

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Super deny ang isang drama actor na naging sex partner niya dang isang dating sexy actress. Nagkasama kasi sila noon sa isang teleserye pero naging magkaibigan lang daw sila.

Kinontra nga ng drama actor sa mga nagsabi sa kanya na ipinapamalita ng dating sexy actress na naging sex partners sila at sinabing walang katotohanan iyon.

“Alam kong mahilig ako pero namimili naman ako,” sabay tawa ng drama actor.

“Natawa lang ako that (name ng dating sexy actress) is telling many people na we had sex many times. Ano ba ‘yon? Para namang hindi niya ako kilala. Nirespeto ko siya.”

Binibiro si drama actor na baka obsessed sa kanya ang dating sexy actress kaya ipinagkakalat  na nagkaroon sila ng sexual relationship.

“Pero hindi ko naman siya masisisi eh. Cute talaga ako kaya siguro na-obsess siya sa akin. Irresistable siguro talaga ang charms ko,” patawa uli ng drama actor.

Wala namang balak komprontahin ng drama actor ang dating sexy actress. Bahala na lang itong magkalat ng nakakatawang kuwento nila.

“Hindi ko gawain na i-confront ang mga babae. Gentleman pa rin ako. Ayokong sabihin na pati babae pinapatulan ko. Okay lang na ikalat niya na may nangyari sa amin. Basta ang alam ko ay hindi niya natikman o nalawayan ang katawan ko,” diin pa ng aktor.

2 Pinay models nagpapakitang gilas sa modelling contest sa Singapore

Dalawang Pinay ngayon ang namamayagpag sa Asia’s Next Top Model 2 sa Singapore. Last year ay umabot sa final three ng show ang Pinay na si Stephanie Retuya. Ngayon ay dalawang Pinay models ang nagpapakitang gilas sa mga kalaban nila mula sa iba’t ibang bansa ng Asia. Sila ay sina Katarina “Kat” Rodriguez at Jodilly “Jody” Pendre.

Dating miyembro ng Philippine Volleyball Team ang 20 years old na si Jody. Isang athletic scholar siya noong pumasok siya ng college. Isang jeepney driver ang kanyang ama at housewife lang ang kanyang ina. Gusto niyang makatapos ng kolehiyo para makatulong siya sa kanyang pamilya.

Ang nag-convince sa kanya na sumali sa Asia’s Next Top Model ay si Stephanie mismo.

“Magkaibigan kami at pinapasali na rin niya ako. Pero gusto kong makatapos muna ng pag-aaral. So, sumali lang ako pagka-graduate ko.

“Buo ang loob ko sa pagsali ko at never akong na-intimidate sa ibang contestants. After Asia’s Next Top Model I plan to go global and be great at what I do. I want to prove to the world that I can stand out in any country,” proud na sabi ni Jody.

Ang 21 years old na si Kat ay double major sa De Salle University at ninang niya ang kauna-unahang Pinay supermodel na si Tweetie de Leon-Gonzalez. “At first I didn’t want to join but then when I reached twenty one I realized I wanted to make something of myself. Even if I don’t have any modelling experience yet, I can learn from the other contestants,” say ni Kat.

Ang host ng Asia’s Next Top Model 2 ay ang MTV Asia video jockey (VJ) na si Nadya Hutagalung. At kabilang sa mga judge ay ang model at VJ na si Joey Mead-King, runway coach Adam Williams, and fashion and celebrity photographer Mike Rosenthal.

vuukle comment

ADAM WILLIAMS

AFTER ASIA

AKO

DALAWANG PINAY

DE SALLE UNIVERSITY

ISANG

JODY

NEXT TOP MODEL

PINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with