^

Pang Movies

Naghahabol pa, girl boy... hindi matanggap na tinalo ng Little Bossings

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Bakit kaya hindi maintindihan ng kampo ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy na ang My Little Bossings ang top grosser sa 39th Metro Manila Film Festival (MMFF)? Ibig sabihin nito, ang kinita lamang sa 14 days ng MMFF, from December 25 to January 7, ang counted sa walong pelikulang kalahok. Kaya kung after the festival ay nagkaroon pa ng extension run ang alinmang pelikula, iyon ay pag­hahatian na lamang ng producer at theater owner, wala nang share doon ang MMF

Kahit ang mga pelikulang nabigyan ng A at B grades ay makukuha na rin ang rebates na 100 percent at 60 percent respectively, pagkatapos ng festival kung showing pa ang movies nila.  

Pauleen ayaw nang may kasalo kay Vic

“Kahit aso ko nga hindi ko puwedeng ipahiram o ipamigay, ang boyfriend pa kaya?” natatawang sagot ni Pauleen Luna nang tanungin siya kung puwede ba niyang ipahiram ang taong mahal niya nang makausap siya ng mga entertainment press pagkatapos ng presscon ng bago niyang afternoon prime sa GMA 7, ang Borrowed Wife.

Ayon kay Pauleen, hindi rin puwede sa kanya kung may kahati siya, tulad nang character niya as Tessa sa story, na na-in love kay Rico (Rafael Rosell) bago pa man nito pinakasalan si Maricar (Charee Pineda/Camille Prats). 

Kaya kung may kahati raw siya sa boyfriend na si Vic Sotto, mahirap daw iyon at hanggang doon na lamang sila. Sa kanila raw kasi ni Vic, hindi sila materyoso, ang importante sa kanila ang time spent together. Pero bakit hiwalay silang nagpalipas ng Pasko last year? Family’s decision daw nila ang pagpunta ng Japan at naintindihan naman niya na kailangan si Vic ng kanyang pamilya rito, plus hindi nito puwedeng pabayaan ang entry sa festival, ang My Little Bossings.

Pagdating sa career, wala naman daw limitations sa kanya si Vic, pero siya mismo ang naglalagay ng limitations sa kanyang sarili, sa role na tinatanggap niya. 

Sa kanilang relasyon naman ng TV host-comedian, masaya raw sila, open sila sa isa’t isa pero pagdating sa pagpapakasal, huwag na raw munang pag-usapan dahil sa ngayon wala pa sila talagang plano tulad nang nabalita na they will get married na this year. Sa Borrowed Wife na lamang daw muna ang concentration niya dahil pilot na nila on Monday, January 20, pagkatapos ng Magkano ang Pag-ibig?

Glo at Mocha magpapasikat

Sa Mars nina Camille Prats at Suzi Entrata mamaya at 6:00 p.m. sa GMA News TV, special guests nila sina Ate Glo at Mocha na magpapasikat sa kani-kanilang specialty. Si Mocha sa pagluluto ng yummy banana oatmeal pancakes at si Ate Glo, sa paggawa ng picture frame out of a shoebox and dried leaves.

vuukle comment

ATE GLO

BORROWED WIFE

CAMILLE PRATS

CHAREE PINEDA

KAHIT

KAYA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MY LITTLE BOSSINGS

PAULEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with