^

Pang Movies

Mga kapatid ni Kris, botong-boto kay Vic! TF ni Bossing sobrang laki, ibinuko ni Kris, habang siya libre

- Vinia Vivar - The Philippine Star

“Never namang naging kami,” say ni Kris Aquino nang matanong sa presscon ng My Little Bossings tungkol sa nakaraan nila ni Vic Sotto. Nagkaroon kasi ng rumor noon na nagkaroon sila ng relasyon years ago nang magkasama sila sa isang movie.

“Promise, hindi talaga. But we’ve been really good friends for a long time. We don’t communicate regularly kasi I know my boundaries din naman. Ayo­kong maging issue pero sobrang taas ng respeto ko sa kanya and I think kaya nag-work ito kasi nirespeto namin ang isa’t isa.

“Natakot ako talaga na madaot ang first project ni Bimby (her son na isa sa mga bida ng My Little Bossings) so I think both of us just stuck with our own spaces and kung kailangan naming mag-usap, doon kami mag-uusap pero beyond that, why complicate life? ’Di ba okay naman?” say ni Kris.

When asked kung may kilig factor pa rin ba para sa kanya si Bossing, say ni Kris, “Actually, ang mga kapatid ko ang nagsabi, ‘Sana, you’d end up with someone like that.’ Sabi ko, ‘Oy, ’wag na kayong manggulo ng buhay ng may buhay.’

“So, the truth is kahanga-hanga siya pero ’yun nga siguro talaga I’d like to believe naman na don’t mess with what’s good. So, kung okay, okay na. Ganyan na lang,” pag-amin ng Queen of All Media.

Of course, as everybody knows, Vic is in a relationship now with Pauleen Luna kaya say nga ni Kris, bakit kailangan pang guluhin eh maganda na?

Anyway, bukod sa reunion movie ito nina Kris and Vic, ito naman ang first time na magsososyo sila sa isang pelikula bilang producers. First movie rin ito ng bunsong anak ni Tetay kasama si Aling Maliit na si Ryzza Mae Dizon.

Natanong kina Kris and Vic kung tumanggap din ba sila ng talent fee bilang artista rin sa movie at sagot ng TV host-actress-producer, hindi na raw siya naningil pa dahil baka makagulo lang sa accounting nila.

“Si Bimby ang may talent fee. Ako wala,” say ni Kris.

Hirit naman ni Vic, “Aba, siyempre meron. Nagtatrabaho ako, walang bayad? No, but very minimal.”

Kontra ni Kris, “Taray! Minimal ’yun? Hindi ’yun minimal.”

Natawa si Vic at sumundot, “Sabi ko nga, ‘Bakit ’yan lang? Dapat more.’ Parang honorarium lang. Pang-gasolina.”

Naaliw kami kay Kris dahil habang sinasabi ito ni Vic ay umiiling siya ng pagkontra sabay sabi ng “Hindi ko kinaya.”

“Dalawampu kasi kotse ko,” dagdag na biro pa ni Bossing.

Nang makausap ng entertainment press sa solo interview si Kris, talagang pinangatawanan niya na hindi raw minimal ang TF ni Vic. Pero ang nakakatuwa, hindi naman dehado si Bimby considering na first movie ito ng bagets.

“Si Boy Abunda and si Deo Endrinal (her managers) ang nagsabi na kung hindi rin lang daw ima-match ang talent fee ni Vic Sotto, hindi tayo manini­ngil. Eh ang mahal nung kay Vic. Sobrang tataas ang budget kung ima-match,” natatawang kuwento ni Kris.

Kaya hindi raw totoo na honorarium lang ang TF ni Vic.

“Hindi talaga, promise, I swear. No, please, no. Basta malaki. Pero deserved niya ’yun,” diin pa ni Tetay.

Tinanong din naming kung ano ang masasabi niya na kine-claim na ni Vice Ganda na ang Metro Manila Film Festival (MMFF) movie niyang Girl Boy Bakla Tomboy ang magiging No.1 sa box-office.

“Siguro nga. Oo, hindi… walang ano (kaplastikan). Track record eh. Ako lang talaga, ang pinagpe-pray ko, there’s a bar. When I lit candles to pray about this (movie), may figure akong sinabi kay God. Sabi ko, ‘Please, give this to us.’

“So, whether number one, number two, or whatever, pero if we hit that figure, kuma-cart wheel na ako talaga at nag-i-split na ako sa hangin sa sobrang tuwa.

vuukle comment

ALING MALIIT

BIMBY

KRIS

KRIS AND VIC

MY LITTLE BOSSINGS

SABI

VIC

VIC SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with