^

Pang Movies

Vice Ganda dudukot ng P50M sa bibilhing mansion!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Halagang P50 million ang bibilhing bagong house and lot ni Vice Ganda! Nalilinya na rin siya kay Willie Revillame na may expensive mansion. Kailan naman kaya ang pictorial nito sa mga glossy magazine?

Kapag mga biglang yaman talaga, mahilig sa mga status symbol! Lalo na si Ganda na dati’y nagpapalabas lang sa mga comedy bars.

Buti nga siya galing sa hirap at tiyaga ang gagastahin. Ang ibang aktor, bigla na lang may mansion funded by their very rich benefactors.

Fashion designers at mga modelo tutulong din sa mga binagyo

Ang pinakamalaking fashion event in the history of our country, Filipinos for Filipinos, ay itatanghal sa susunod na Biyernes, Dec. 6, sa Samsung Hall ng SM Aura Taguig City, para sa rehabilitation and cons­truction ng mga nasalanta ng bagyo.

Lahat ng mga kilalang designer, sa lahat ng mga grupo, mga sikat na modelo at kilalang fa­shion brand, kasali sa show na ang buong kita ay for the Yolanda victims. At least, P1,000-donation ang ibi­bigay ng bawat manonood.

Ang dean ng Pinoy designers na si Ben Farrales, ipapakita ang kanyang mga piling disenyo. Ang reigning beauty queens kasama sa magmomodelo, pati mga sikat na artista. Talagang lahat ay nagkakaisa for a worthy cause.

Starlet pinagtawanan sa suot na long gown sa fund-raising event

Sa isang fund-raising event na halos lahat ng mga dumalong artista/singer ay simple casual lang ang suot, dumating ang isang scene-stealing starlet na naka-long gown at fully made up. Habang ang mga kasamang nandoon ay handang tumulong at mag-repack ng relief goods, siya naman, tila dadalo sa Star Magic Ball!

Siyempre, out of place siya at lihim na pinagtatawanan. Taas-noo pa rin ang starlet habang nagbigay ng check donation na ang pondo naman ay galing sa kanyang kabit na D.O.M. At least, malaki rin ang kanyang naitulong!

Mga bigating film director bibida sa Indie Bravo!

Mahigit 20 short and docu films ang ipapalabas sa first Indie Bravo! film festival sa My Cinema, Greenbelt sa Makati City on Dec. 9-11. Ilan sa mga lahok ay directed by international award winners Brillante Mendoza, Raymond Red, at Lav Diaz.

May mga lahok din ang mga promising filmmaker na tiyak na sa mga susunod na taon ay nasa worldwide cinema scene na.

Lea pinapayuhan ang Pinay stars sa Miss Saigon na mag-relax

Ang payo ng original Miss Saigon na si Lea Salonga kina Rachelle Ann Go at ibang Pinoy na pumasa para sa revival ng hit and multi-awarded musical, “Just enjoy”.

Sa araw na bakante ang mga Pinoy, pinayuhan niyang magpunta sa mga London museum at mag-sight-seeing. Sa gabi lang kasi ang staging ng palabas na to start in May next year, with rehearsals in March.

Gabby at Cristine inaabangan ng mga bakla at tomboy

Inaabangan na ang playdate sa mga sinehan ng When the Love is Gone. Ang mga beki, isesentro ang mga mata kay Gabby Concepcion. Sabi kasi ng mga kafatid, at his age, very delicious pa ang aktor.

Ang mga kumpare ko naman, including mga tibo, si Cristine Reyes ang pagkakaabalahan. Tiyak mabilis lang ang mga indecent exposures kaya dapat malinaw ang inyong mga mata.

Pinay artist na semplang sa audition, naghihimutok hanggang ngayon

Isang Pinay artist na hindi pumasa sa audition ng Miss Saigon ang naghihimutok pa hanggang ngayon. Reklamo niya, na-overlooked ang kanyang talent.

Sa kanyang paniwala, higit na mahusay siyang kumanta at umarte sa mga napili sa Miss Saigon revival.

Wolverine kabado sa nunal na cancerous

Cancerous ang isang nunal sa may ilong ni Hugh “Wolverine” Jackman kaya’t dapat alisin agad ito bago pa kumalat ang deadly cells.

Kahit macho ang aktor, kinakabahan pa rin siya sa big C!

vuukle comment

AURA TAGUIG CITY

BEN FARRALES

BRILLANTE MENDOZA

INDIE BRAVO

MISS SAIGON

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with