^

Pang Movies

Rufa Mae suportado si Ka Freddie sa ‘forbidden love’

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pumasok na ang ahensiya ng gobyerno sa kaso ni Freddie Aguilar dahil sa pagkakaroon ng isang kinse anyos na girlfriend. Minor pa rin kasi ang klasipikasyon ng nasabing babae.

Kinunan ng pahayag ang ilan sa mga artistang may ganitong kaso gaya ni Tiya Pusit na 27 years ang tanda sa kanyang boyfriend at ni Rufa Mae Quinto na lampas 30 na at nali-link ngayon kay Martin Escudero na 23 anyos lang.

Sabi ni Rufa Mae, “As long as they’re happy wala akong makitang problema.”

Sabi naman ni Tiya Pusit, “Mas matanda pa ako sa magulang ng boyfriend ko pero nagtatagal kami. Ito lang ang masasabi ko, ‘Ano’ng pakialam ninyo?!’”

Kylie nagpapapilit lang!

Umiingay ang balitang nagkakagalit ngayon sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla dahil inayawan ni Aljur na mapasama bilang isa sa mga guest singer niya ang girlfriend.

Come and Get Me ang major solo concert ni Aljur sa Music Museum sa Greenhills sa San Juan City sa Nov. 7. Guests niya sina Kris Bernal, Julie Anne San Jose, Rochelle Pangilinan, at ang brother niyang si Vin Abrenica.

Hindi na raw niya isinali si Kylie sa mga kakanta dahil masyado itong busy sa taping ngayon at marami siyang projects. Pero sabi naman daw ng actress girlfriend, kung pinilit lang siya, makakagawa siya ng paraan.

Charice feel gumawa ng kabutihan

Iba naman ang kaso ng dyowa ni Charice. Hindi na kailangang pilitin pa si Alyssa Quijano para makasama sa Nov. 5 benefit concert para sa Bohol earthquake victims na pinamagatang One Voice. Ibinigay agad nito ang suporta sa iniirog na Pinay international singer.

Gusto raw ni Charice na in her early age ay makagawa na siya ng kabutihan sa kapwa.

 â€œMas maganda habang bata ka ay isini-share mo ang iyong blessings lalo na sa mga nangangailangan,” diin niya. “Dream place ko ang Bohol.”

Magpapakitang gilas din sa concert ni Charice ang mga naggagandahan at nagseseksihang Sassy Girls na ayaw maikumpara sa Mocha Girls dahil hindi raw sila bastos mag-perform.

                                                                                 

 

 

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ALYSSA QUIJANO

BOHOL

CHARICE

COME AND GET ME

FREDDIE AGUILAR

TIYA PUSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with