^

Pang Movies

Jennylyn nag-perform na mugto ang mata!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mukhang hindi naitago ng makeup ang namumugtong mata ni Jennylyn Mercado at halatang pilit siyang nagpapakasaya habang nagho-host ng Sunday All Stars kahapon. Bale ba everybody pa naman ay umiyak sa bawat presentation ng four teams in honor of our Overseas Filipino Workers (OFW). Winner nga ng best team performance ang Instagang na lahat ng performers ay umiiyak habang nagpi-perform at si Frencheska Farr naman ang best performer.

Just asking, nagkita kaya sina Dennis Trillo at Jennylyn? Naroon sina Dennis at Tom Rodriguez to formally launch their TomDen album na second day pa lamang na-release last Oct. 15 ay nag-No. 1 na sa iTunes ng songs na na-download.

Marian nawiwili sa mga show na pang-probinsiya

Nakausap namin si GMA Primetime Queen Marian Rivera sa birthday party ng manager niyang si Rams David sa Cerchio Restaurant sa Timog, Quezon City at binati namin ang mahusay niyang pagganap nang mag-guest siya sa One Day Isang Araw sa episode na Sikreto ni Milette, na kasama niya ang batang si Paulo Pingol (sa McDo commercial) na may down syndrome. Inamin         niyang medyo nahirapan siyang umiyak dahil ilang buwan din siyang hindi umarte pero nadala siya sa eksena na umiyak si Paulo dahil gusto niyang ilihim na may kapatid siyang mentally challenged. 

Binati rin namin ang Kapuso actress dahil sa early report ng ilang press na nag-cover sa Bacolod Masskara Festival 2013 na ginanap sa SM City Bacolod, apaw ang venue na kailangang itigil ang pagpapapasok sa mga tao dahil umabot na ito ng 12,000. May mga umiyak pa pagkakita kay Marian at ngayon lamang sila muling nakakita ng ang dami-daming scrapbook ng fans. 

Bale pang-13 na palang regional show iyon ni Marian at nagugulat din siya kapag nakikita niya ang napakaraming tao sa kanyang Kapuso Fans Day. Kaya nga raw promise niya, gusto pa rin niyang mag-regional show basta libre siya, para makapagbigay-saya pa siya sa fans. Last sa schedule niya ay Vigan, Ilocos Sur next weekend. 

Magsisimula na rin siya sa first week of November na pag-usapan ang susunod niyang primetime show na ibang-ibang Marian Rivera ang mapapanood sa script ni Suzette Doctolero. Second week of November, papuntang Vietnam si Marian for a meet-and-greet fans day doon. Tomorrow may whole day pictorial si Marian for a TVC.

Wilma Galvante naki-reunion sa taga-GMA

Nakakatuwa naman na isa si Ms. Wilma Galvante ng TV5 na guest ni Rams David sa kanyang birthday at muli silang nagkasama-sama ng mga taga-GMA Entertainment TV na dati niyang kasama noong nasa GMA pa siya. 

At after ng picture-picture, sama-sama rin silang tumuloy sa birthday party naman ni Direk Maryo J. delos Reyes.  Happy birthday, Ateng Rams David!

vuukle comment

ATENG RAMS DAVID

BACOLOD MASSKARA FESTIVAL

CERCHIO RESTAURANT

CITY BACOLOD

DENNIS TRILLO

DIREK MARYO J

FRENCHESKA FARR

ILOCOS SUR

RAMS DAVID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with