^

Pang Movies

Jennylyn hindi ok ayon sa manager, ‘She’s hurting and in pain!’ second anniversary sana kay Luis kahapon

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nakakalungkot man, it’s confirmed. Break na nga sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano. Kinumpirma na ito ng manager ni Jen na si Becky Aguila na nakausap namin kahapon.

Last Monday (Oct. 14) lang naganap ang breakup at kung anuman ang dahilan ay ayaw nang sabihin pa ni Tita Becky dahil hindi naman dapat sa kanya ito manggaling kundi kina Jen and Luis mismo. Basta ang tanging masasabi lang niya, yes it’s true na break na ang dalawa and Jen is in pain right now.

Humihiling nga kami na baka puwedeng makausap si Jen pero, ayon sa ma­nager, ay hindi pa ready right now ang aktres para magsalita.

“She’s not okay right now. She’s hurting. She’s in pain. Siyempre, masakit naman talaga ’yun dahil love na love niya si Luis, eh,” diin pa niya.

Maging siya raw ay nagulat sa biglaang split up at ikinalungkot niya rin talaga ito.

“Napaiyak pa nga ako ’cause sobrang nanghihinayang ako sa relasyon nila. I didn’t expect it. They seemed perfectly fine. Everything seemed to be perfect. They were a happy couple. Nakita ko kung paano rin alagaan ni Luis si Jen and vice versa. Nakakalungkot talaga,” say ni Tita Becky.

Gusto ring linawin ng manager ang tsikang kumakalat that Jen is dating Dennis Trillo at ’yun umano ang reason ng breakup.

“It’s not true. Common sense naman, may boy­friend si Jen, bakit siya makikipag-date kay Dennis? It’s not true. Walang third party sa part ni Jen,” paglilinaw niya.

Kahapon sana ang second anniversary nina Jen and Luis at nakakalungkot talaga na heto’t break na sila’t ’di na umabot sa second year.

 Nakatakda rin sanang umalis sina Jen and Luis for a Halloween vacation through the invitation of Gov. Vilma Santos. Pupunta sana silang Japan kasama ang buong pamilya ng aktor. Pero dahil sa nangyari ay hindi na rin ito matutuloy.

Kahit umiiyak ang puso ni Jen ngayon, good news naman na magaganda ang mga trabahong dumarating sa aktres. Sa pagtatapos ng Anak Ko ’Yan on Nov. 18 ay dalawang bagong shows naman ang kapalit. Isang drama series at isang cooking show.

Kasalukuyan pang pina-finalize ang mga makakasama ni Jen sa serye sa GMA 7 at ’yung CDO Cooking Show naman ay mapapanood sa GMA News TV.

“Jen is strong. Marami nang pag­subok na dumating sa buhay niya at alam kong kaka­yanin niya itong bagong pagsubok na ito ngayon. Masakit man, she has to move on for Jazz’s sake and I will always be here for her,” say ng manager.

Halloween special ni AiAi nanguna

Pinaka-tinutukang weekend TV program sa bansa ang kasisimula pa lamang na Wansapanataym Halloween special na pinagbibidahan nina AiAi delas Alas, Cherry Pie Picache, at Izzy Canillo. Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media noong Sabado (Oktubre 12) kung kailan naging No.1 overall weekend (Sabado at Linggo) TV program sa bansa ang unang episode ng Moomoo Knows Best taglay ang 30.9% national TV ratings, o halos 11 puntos na kalamangan kumpara sa katapat nitong programa sa GMA.

Samantala, sa pagpapatuloy ng Moomoo Knows Best ngayong Sabado (Ok­tubre 19) na mapapanood pagkatapos ng TV Patrol Weekend, unti-unti nang magbabago ang buhay ng pamilya ni Joanna (AiAi) ngayong mayroon na siyang kakayahan na makakita ng mga kaluluwa.

Kasama nina AiAi, Cherry Pie, at Izzy sa Wansapanataym Presents Moomoo Knows Best sina Marco Gumabao, Jojit Lorenzo, at Michelle Vito. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Arlene Tamayo at direksiyon ni Erick Salud.

vuukle comment

ANAK KO

ARLENE TAMAYO

BECKY AGUILA

CHERRY PIE

JEN

JEN AND LUIS

MOOMOO KNOWS BEST

SABADO

TITA BECKY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with